93

42 4 1
                                    

Muli kaming bumalik ni Arnel sa kwarto ko. Nakaupo kami ngayon sa higaan ko at naglalaro naman si Nacy. Ngayon ko na lang ulit nakita si Nacy. Sa sobrang daming nangyari, hindi ko man lang siya mabisita sa bahay ng Mahal na Prinsesa. Gusto ko man makipag bonding sa kaniya ay hindi maaari dahil may malaki akong problema ngayon.

Pagkabalik namin sa kwarto ni Arnel ay agad niyang sinabi sa akin ang nangyari sa loob ng isang buwan.

Una, hindi na namin kailangan gawin ang request ni Ginoong Azrael na hanapin ang mga kuta ng Demdra sa bawat kaharian at ang paghanap sa mga nawawalang tao. Unti-unti na nadidiskubre ng mga reyna ang kuta ng mga Demdra at marami na rin silang naligtas na tao kaya't hindi na namin kailangan mangeelam pa.

Pangalawa, nananatili kami ngayon apat sa kaniya-kaniyang kaharian namin at hindi kami maaaring lumabas ng palasyo. Hindi alam ni Arnel kung bakit, iyon daw ang utos ni Morpheus.

At ang huli ay ako ang pinaka matagal na gumising sa aming apat. Ang tatlo ay halos ilang araw lamang silang tulog. Ako lamang ang nagmumukod tanging isang buwan natulog. Dahil hindi pwedeng lumabas ang tatlo sa palasyo ay hindi sila pinayagan bumisita sa akin. Naririnig ko na ang pagwawala ni Akira.

Ang daming impormasyon akong natanggap at ang dami rin tanong ang nabuo sa isipan ko. Pero hindi ko alam paano hahanapan ng kasagutan. Itinanong ko na 'yon kay Arnel at hindi rin niya alam ang mga sagot. Kahit siya ay hindi rin pinapalabas ng palasyo.

"Ma!" napalingon ako kay Nacy ng hilain niya ang laylayan ng damit ko para makuha ang atensyon ko. May itinaas itong panali. Mukhang gusto niyang talian ko siya dahil magulo ang buhok niya.

Binuhat ko siya at kinandong patalikod sa akin. Kinuha ko ang suklay at sinuklayan ang hindi gano'n kahabang buhok niya.

"Ah! Bago ko makalimutan, may mga sulat na ipinadala ang ibang mga Binibini para sa'yo. Ang bilin nila ay ibigay ko raw sayo pagkagising mo." tumayo si Arnel at may kinuha na kung ano sa isa sa mga drawer ko.

Tinalian ko naman ang buhok ni Nacy ng ponytail. Nang matapos ko siya talian ay muli ko siyang binuhat at nilapag kung nasaan ang mga laruan niya.

Bumalik na si Arnel at may hawak itong tatlong sulat. Kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat sa likod.

To: Rin
From: Rei

To: Partner in crime
From: Akirang maganda

To: Rin
From: Hazel Collins

Ihuli natin buksan yung kay Akira. Una kong binuksan ang kay Hazel.

Agad akong namangha sa hand writing ni Hazel. Akala mo ay pinrint niya ang sulat dahil sa hand writing niya.

Dear Rin,
     
      It's been 1 week since magising ako matapos ng nangyari. Kung kagigising mo lamang nang basahin mo ito ay may ipapayo ako sa'yo. Kahit anong mangyari, huwag kang magtitiwala sa lahat ng sasabihin ni Morpheus. I don't know kung anong nangyari matapos natin makalabas sa pader na 'yon but everyone is acting strange. Hindi nila ako pinapalabas ng palasyo o pinapasilip man lang sa bintana. At kahit saan ako magpunta ay may mga guwardiya at katulong ang nasa paligid. I appealed this case kay Reyna Vanice pero ang sabi lang niya ay nagkataon lang daw na nandoon ang mga guwardiya at katulong kung nasaan ako. Hindi ako naniniwala na nagkataon lamang 'yon. Paniguradong binabantayan nila ang kilos ko pero hindi ko alam kung bakit. This letter should be congratulating you dahil sa paggising mo pero dahil sa nangyayari ay nag-iba ang daloy ng sulat. I will repeat this for the last time. DON'T TRUST MORPHEUS.

Nakataas ang dalawang kilay ko habang binabasa ang sulat. Anong ibig sabihin ni Hazel na iba umakto ang mga tao sa palasyo? Tinignan ko si Arnel at takang nakatingin lang din siya sakin.

The Other WorldWhere stories live. Discover now