99

33 4 0
                                    

Rin P.O.V

Naglalakad kami ngayon dalawa ni Arnel sa isang daan. Yes, kami lang dalawa. Napagdesisyunan namin na hatiin sa tatlo ang grupo. Si Hazel at Niwe ay magkasama. Si Akira at Rei naman ang magkasama.

Sa una ay ayaw pumayag ni Hazel at gusto niyang isama si Akira sa kaniya dahil panigurado raw na gagawa ito ng gulo.

"Ayoko maging third wheel!" dahilan ni Akira kaya ayaw niya sumama kay Hazel at pinagpilitan ang tatlong grupo. Muntik pa sila mag-away kaya inawat na namin agad at sinabing hayaan na lang si Akira. Para mabilis na rin makakalap ng impormasyon.

Ilang minuto pa namin kinumbinsi si Hazel bago ito pumayag.

Ang paligid ay punong puno ng tao kahit saan ka tumingin at puro kababaihan ang narito. Parang nasa area kami na nagtitinda ng mga accessories at damit dahil iyon lamang ang nakikita ko.

Habang naglalakad ay sinisigurado kong pinapakinggan ko ang mga pinaguusapan nila habang inaaliw ko ang mga mata ko.

"Itong kulay na ito ay paniguradong bagay sa aking kasuotan, ano satingin mo?"

"Iyan ay sampung gintong barya?! Ang mga materyales na ginamit dito ay hindi naman ganoon kaganda! Bakit ang mahal ng presyo?!"

"Kay ganda mo naman, Binibini. Subukan mo itong kwintas na ito. Paniguradong babagay ito sa iyong ganda."

Puro ganiyan lamang ang naririnig ko at walang tungkol sa kakaibang nangyayari sa paligid.

Inikot ko ang paningin ko upang tignan ang ibang mga nagtitinda at tumigil ako sa isang brooch at mga pin.

Napatitig ako sa isang brooch na nakaukit sa isang gold na bulaklak at sa gitna nito ay may bilog na color dark blue. Akala mo ay gumagalaw ang dark blue sa loob ng bilog dahil sa ilaw na tumatama rito.

Hindi ko napansin na napatitig ako rito nang matagal.

"Binibining Avery(Rin)?" nalipat bigla ang paningin ko kay Arnel. Napatitig ako sa dark red na mata ni Arnel na dating dark blue at ang dating black na buhok niya ay naging kasing kulay ng ash.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya na may pagaalala at tumango tango naman ako.

"Ayos lang ako, medyo pagod lang siguro. Kanina pa tayo naglalakad at wala naman tayo masyadong nakukuha na kung ano." sabi ko at iniwas agad ang paningin ko sa kaniya at pinagpatuloy maglakad. Sumunod naman siya agad sakin.

"Gusto mo ba kumain muna?" tanong niya at bigla naman ako napahawak sa tiyan ko at pinakiramdaman iyon. Hindi naman ako nagugutom kaya umiling ako sa tanong niya.

"Hindi naman ako nagugutom pero medyo nauuhaw lang ako." sabi ko at bigla naman niya ako hinila sa kung saan at sumunod lang ako.

Huminto kami sa isang store at binitawan na niya ako.

"Maghintay ka lamang dito, huwag kang aalis." sabi niya at tumango tango lang ako. Pumasok siya sa store at muli ko na naman nilibot ang paningin ko.

Napatigil ang paningin ko sa dalawang magjowa sa di kalayuan at agad nangasim ang mukha ko. Naalala ko bigla ang mga past relationship ko. Kung papaano hawakan ng lalaki yung kamay ng babae at kung papaano nito hawiin ang buhok na nakatakip sa mukha ng babae ay ganoon na ganoon din ginawa noon sa akin ng jowa ko. Tapos in the end nag cheat lang din.

Bigla naman nagiba ang mood ko. Bumagsak ang balikat ko at may kung ano rin ang bumigat sa damdamin ko. Hindi naman ako galit sa mga naging past relationship. Disappointed lang ako sa kanila.

"Binibining Avery." muli akong napatingin kay Arnel. May hawak itong dalawang inumin at inabot niya sa akin. Mukhang nasa large cup ang inabot niya sa akin at yung kaniya naman ay nasa small cup. May brand na nakapaskil sa cup at may pagka color light orange at red ang nasa loob nito.

The Other WorldWhere stories live. Discover now