110

27 5 0
                                    

Chapter 110

Alam na ng apat na reyna na iyon ang gustong pag usapan ni Ginoong Azrael nang tawagin sila ng mga ito. Nakontrol na ng apat na Binibini ang kapangyarihan ng kwintas, ibig sabihin ay handa na ang mga ito umupo sa trono nila. 

Ngunit may isang tanong ang nasa isip ng mga reyna. 

"Maaari ba kami magtanong, Ginoong Azrael?" lahat ng mata ay tumingin kay Reyna Vanice. 

"Ano iyon, Reyna Vanice?" 

"Paanong na kontrol ng apat na Binibini ang kapangyarihan ng kwintas? Hindi pa nila tapos gawin ang huling paraan." 

"Iyon ay dahil sa negatibong emosyon ng apat na Binibini." pagsagot ni Morpheus at nalipat naman sa kaniya ngayon ang tingin nila. 

"Takot, pagsisisi at galit. Iyon ang negatibong emosyon na naramdaman nila ng mga oras na 'yon. Iyon ang isa pa sa paraan para makontrol ang kapangyarihan ng kwintas. Kailangan niyo lamang pantayan ang negatibong emosyon na naramdaman nila ate para makontrol iyon. Ibig sabihin ay kailangan niyo danasin ang masaklap na nangyari kila ate para makontrol ang kapangyarihan nila." paliwanag ni Morpheus. Hindi na nito kailangan pa habaan ang paliwanag niya dahil naintindihan agad ng apat na Reyna ang ibig sabihin nito. 

Kailangan lamang may mangyaring hindi maganda sa mga importanteng tao sa mga Binibini upang maramdaman ng mga ito ang naramdaman ng unang reyna. 

Ngayon lamang nila nalaman ang paraan na ito at naintindihan nila kung bakit hindi ito sinabi nila Ginoong Deseo sa kanila at mas pinili ang mahabang proseso. 

"Kung wala ng ibang tanong ay pagusapan natin ang barrier ng Shisakilzen. Gusto niyo bang ibalik ang barrier, Morpheus?" tumingin si Ginoong Azrael sa bunso niyang kapatid dahil alam niyang balak tanggalin ni Rin ang barrier. 

Taka naman ang mga Reyna nang tanungin ni Ginoong Azrael si Morpheus imbes na si Reyna Gladice. 

Tahimik na tumingin si Morpheus kay Ginoong Azrael bago siya magsalita na nagsagot sa tanong ng mga reyna sa isip nila. 

"Hindi na kailangan, balak din naman ni Binibining Rin alisin iyon. Mag aaksaya lang si Reyna Gladice nang mahika kung gagawa siya ng barrier." pagsagot ni Morpheus at nang marinig ito ng mga reyna ay may isa pang tanong ang muling namuo sa isip nila. 

"Ngunit...bakit gustong tanggalin ni Binibining Rin ang barrier?" takang tanong ni Reyna Angelika. 

"Dahil kila Ginoong Arnel." agad na sagot ni Morpheus na nagpatigil sa apat na reyna. 

Sabay sabay nagiba ang ekspresyon ng mukha nila ng marinig ang pangalan ni Arnel at nang sinapit nito. 

"Gusto ni Binibining Rin tanggalin ang barrier para ang mga tao na nasa labas ng Shisakilzen ay makapasok sa kaharian." dugtong ni Morpheus. 

Napatitig saglit si Ginoong Azrael kay Morpheus bago muling umpisahan ang dapat nilang pag usapan. 

"Kung wala na kayong ibang tanong ay umpisahan na natin pag usapan ang paglipat ng korona sa apat na Binibini." tumingin ang lahat sa lalaki na nakamaskara. Ang kanan mata lamang niya ang nakikita. 

Nanahimik ang lahat at inantay ang susunod nitong sasabihin. 

"Alam kong may gusto pa kayong tapusin at gawin sa mundong ito. May mga problema pa sa palasyo na kailangan niyong ayusin. Pati rin ang mga Binibini ay may kailangan ayusin at gawin. Anim na buwan mula ngayon magaganap ang pag lipat ng trono sa apat na Binibini." anunsyo nito. 

"Kung tutol kayo ay maaari kayo magbigay ng opinyon niyo at aming pag iisipin iyon." umiling ang lahat sa sinabi ni Ginoong Azrael.

"Kung gano'n ay maaari niyong hiramin ang tatlo kong kapatid lalo na si Deseo para ayusin ang mga nasira at ibang bagay sa palasyo." nanlaki ang mata ng tatlong lalaki nang marinig iyon. 

The Other WorldWhere stories live. Discover now