100

36 1 0
                                    


Nakaupo ang lahat sa sofa na malapit sa fireplace maliban sa dalawang lalaki na naghahanda ng pagkain nila. Sa isang sofa ay magkasama si Rei at Hazel at sa kabila naman ay si Rin at Akira.

Pinaguusapan ng mga ito ang mga impormasyon na nakuha nila. Sinabi naman ni Rin ang mga narinig niya sa tatlong magkakaibigan at sinabi rin ni Hazel ang nakuha niyang impormasyon.

Hindi man sila makapaniwala ay may nakuha rin na impormasyon sila Akira bago nito wasakin ang mga tindahan.

Ang impormasyon ni Akira ay tungkol sa mga knights na magbabantay sa lugar kung nasaan sila. Nalaman nito na si Jasper at si Prinsipe Ethan ay naka destino sa lugar nila kaya mas kailangan nila mag doble ingat. Ayon din kay Akira ay maaaring dumating ang dalawa bukas kaya mas lalo silang kinabahan.

"Hindi ko alam kung makakalipat agad tayo ng bayan. Hindi ko kayang baguhin ang mga boses natin kaya paniguradong mahuhuli agad tayo kung magiingay si Akira." seryosong paliwanag ni Hazel at sinamaan naman ng tingin ni Akira si Hazel.

"Tama ka." sangayon din ni Rin at marahan naman siyang siniko ni Akira at sumimangot.

"Tsk. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natin nahahanap yung dahilan." inis na sabi ni Hazel.

"Puro goodnews lang nakuha natin. Ano ba kasi yung tinatago nila?" iritang tanong ni Akira.

"Ano na ang gagawin natin bukas?" biglang tanong ni Rin. Walang sumagot sa tanong nila at bigla naman may naisip si Akira.

"Paano kung magpahuli tayo kila Jasper?" sabi niya at tinignan agad siya nila Hazel na para bang nababaliw na ito.

"Baliw ka ba? Bakit pa tayo nag disguise kung magpapakita rin tayo?" tanong ni Hazel sa kaibigan.

"Maaaring sabihin sa atin ni Jasper ang dahilan kung sakaling alam niya yung nangyayari. Paniguradong makukumbinsi natin siya." paliwanag ni Akira.

"No, masyadong delikado ang naisip mo. Kung si Jasper lang ay pwede natin gawin iyon pero kasama nito ang kuya niya. Panigurado na kapag nagpakita tayo kay Jasper ay agad ipapaalam ni Prinsipe Ethan iyon sa mga reyna." komento ni Hazel sa idea ni Akira.

"May iba ka bang plano? Panigurado mahuhuli tayo dahil sa boses natin." tanong ni Akira sa kaibigan niya at nagisip saglit si Hazel.

"Isa lang ang naiiisip ko at iyon ay iwasan ang dalawang Prinsipe. Pupunta tayo bukas sa lugar kung saan wala ang dalawang Prinsipe. Silang dalawa lang naman ang balakid satin. Ang mga knights naman ay hindi tayo gano'n kakilala kaya paniguradong ayos lang tayo. Huwag ka lang magiingay at gagawa ng gulo paniguradong maayos lang tayo bukas." tinignan ni Hazel si Akira nang sabihin nito ang huli niyang sinabi at napa 'tsk' na lamang si Akira.

"Pero paano natin malalaman kung nasaan ang dalawang Prinsipe?" tanong naman ni Rin at napatitig naman si Hazel sa mapa na nasa lamesa. Pinagmasdan nito ang daan mula sa palasyo hanggang sa lugar kung nasaan sila.

Nilista nito sa isip niya ang mga pwedeng daanan ng dalawang Prinsipe papunta sa kanila at tinanggal nito ang iba na satingin niya ay hindi dadaanan ng mga ito upang makarating agad dito ng mabilis. Nang malaman niya ang isang daan na dadaanan nila para makarating agad sa lugar nila ay tinuro niya iyon mula sa mapa at pinagmasdan lang siya ng mga kaibigan niya.

Ang kailangan niya na lang isipin ay kung saan magiikot ang dalawang Prinsipe. Dahil kilala na sila ni Jasper ay paniguradong alam nito ang daloy ng isip nila kaya tinatantiya ni Hazel kung saan ito pupwesto. Pero hindi rin inaalis ni Hazel sa isip niya si Prinsipe Ethan. Sa kaniya nahihirapan si Hazel dahil hindi nito alam ang daloy ng isip ng Prinsipe.

'Hmm...' pinasingkit ni Hazel ang mata niya habang nagiisip.

'Tsk, saan ba pwedeng pumwesto si Prinsipe Ethan? Wala ako masyadong alam sa Prinsipe' pagiisip ni Hazel at pinagmasdan ng maigi ang mapa. Kinuha nito ang notebook at libro kung nasaan ang mga lugar ng bayan.

The Other Worldحيث تعيش القصص. اكتشف الآن