33

53 6 0
                                    

RIN P.O.V

Nagising ako dahil sa katok ng pinto. Humiwalay kasi ako ng kwarto sa tatlo baka madaganan nila si Nacy kung doon kami matutulog.

"RIN! GISING! BUKSAN MO YUNG PINTO!" rinig kong sigaw ni Akira.

Tinignan ko si Nacy at tulog pa siya.

Bumangon ako at binuksan yung pinto. Sinamaan ko ng tingin si Akira.

"Ang ingay mo." sabi ko sa kaniya at pinapasok sila.

Umupo naman sila sa sofa at naligo na ako. Ngayong araw gaganapin yung pagdiriwang. Mamayang tanghali pa naman 'yon at 7am pa lang.

Nagrobe lang ako dahil magbibihis din naman ako mamaya. Naka robe lang din naman yung tatlo.

Lumabas na ako at umupo rin sa sofa dumating na yung pagkain namin. Bigla naman nagising si Nacy at agad na nagunahan ang tatlo papunta sa higaan.

Binuhat ni Akira si Nacy papunta dito sa sofa.

"Pwede na ata siya kumain nito. May ipin na siya." sabi ni Akira at binigyan ng tinapay si Nacy.

Kakagising lang ni Nacy pinapakain na agad nito.

Nang matapos kami kumain ay biglang may kumatok at binuksan ang pinto. Dumating na yung mag-aayos samin. Aayusan din si Nacy dahil kasama siya.

Pinaliguan ko muna si Nacy at binigyan siya ng robe pambata. Saan naman nanggaling 'tong robe?

Lumabas na kami ni Nacy at inaayusan na yung tatlo. Umupo na rin ako sa sofa para maayusan. Kinuha naman nila si Nacy sa'kin para ayusan din.

Inuna nilang ayusan yung buhok ko at pagtapos ay minake-up an nila ako. Pagtapos nila kami ayusan ay isa-isa kaming nagbihis apat. Tinulungan naman kami ng mga nag-ayos sa'min. Bakit parang ang bigat nitong gown?

Tinignan ko naman kung anong oras na at 10:38 na 12 magsisimula ang pagdiriwang. Kailangan pa namin pumunta ng Ningkahaze.

Natapos na kami ayusan at tapos na rin ayusan si Nacy.

"KYA! ANG CUTE NI NACY!" sabi ni Akira at pinisil ang pisngi ni Nacy. Binuhat ko naman si Nacy at nagpasalamat sa mga nag-ayos.

Bigla naman dumating ang mga lalaki kasama si Arnel. Napanganga naman kaming apat dahil sa itsura ng apat na lalaki.

Woah, ngayon ko lang nakita si Arnel na naka tuxedo. Bakit ang gwapo niya?

Maayos naman yung itsura ng tatlong prinsipe.

Mukhang sinundo ni Ron si Aylene, ah.

Mukhang namangha din ang mga lalaki sa itsura namin.

"Sino ang batang hawak mo, Binibining Rin? Ang ganda niya." sabi ni Leizyl at binato siya ni Akira ng unan.

"Tumigil ka nga Leizyl!" saway ni Akira.

"Nacy ang pangalan niya." sabi ko.

"Bumaba na tayo mukhang inaantay na tayo ng mga reyna at hari." sabi ni Hazel at hinila na palabas si Kevin.

Lumabas na din kami. Sumabay akong maglakad kay Arnel.

"Ako na magbubuhat kay Nacy, Binibining Rin." sabi ni Arnel at umiling naman ako. Mukhang mas komportable si Nacy sa bisig ko.

"Hindi na kailangan, mukhang mas komportable si Nacy dito." sabi ko.

"Binibining Rin, ayos lang ba talaga na sumama ako sa pagdiriwang? Sa labas ako ng kaharian nakatira." sabi ni Arnel at tinignan ko siya. Kinurot ko yung tagiliran niya at napa-aray siya don.

The Other WorldWhere stories live. Discover now