73

32 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa ingay sa labas ng bahay. Dinilat ko ang dalawang mata ko at sinubukan bumangon. Naramdaman kong kumirot ang lahat ng parte ng katawan ko lalo na ang ulo ko. Nasobrahan ata ako sa paggamit ng mahika.

Binitbit ko ang katawan ko papunta sa bintana at sumilip roon. Nakita ko na maraming tao ang umiiyak sa tuwa at nakayakap sa isang tao. Mukhang pinabalik na ng mga prinsipe ang mga taong nahanap namin.

Okay na ba ang mga pakiramdam nila bago sila pabalikin? Mukhang nanghihina pa ang iba nung ginamot ko sila.

Nakarinig ako ng katok sa pinto at bumukas ito. Nakita ko naman si Morpheus na pumasok.

"Mabuti naman at gising ka na. Maaari kana kumain sa baba. Andoon na rin sa baba ang ibang Binibini."

Gising na sila Akira? Hindi na ako nagsalita pa pabalik at bumaba na. Sa baba ay nakita ko ang tatlo at tahimik ang mga itong kumakain.

Napansin ako ni Akira at agad ako nginitian. Hindi katulad dati ang ngiti ni Akira. Pilit na ngiti lamang 'yon pero nginitian ko pa rin siya pabalik.

Umupo ako sa tabi ni Hazel at habang nakuha ako ng pagkain ko ay nagsalita bigla si Akira.

"Mukhang nahanap niyo ni Hazel ang mga tao." pinilit ni Akira na pasiglahin ang boses niya. Ngumiti naman ako bago sumagot.

"Sila Morpheus at Ginoong Niwe ang nakahanap sa kanila kahapon. Onti lamang ang natulong namin ni Hazel." nakangiti kong sabi.

"Hmm...Gano'n ba." pagtapos sabihin ni Akira 'yon ay tahimik kami ulit kumain. Hindi man lang siya nagtaka kung sino si Niwe.

Hindi ako sanay na ganito ang atmosphere samin apat. Parang ang awkward na namin sa isa't-isa at pare-parehas sila pilit na ngumingiti.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang mga prinsipe at naka hoodie ang mga ito. Tinanggal nila ang taklob sa ulo nila at takang tumingin samin. Hindi naman namin pinansin ang mga titig nila at kumain lang.

"Ano pala ang sunod na bayan na pupuntahan natin?" pagtatanong ni Leizyl.

"Hindi namin alam." pagsagot naman ni Hazel at doon na huminto ang pag-uusap namin.

Hindi na nagtanong pa ang mga prinsipe at tahimik na lang din kumain. Pagkatapos namin kumain ay niligpit na namin ang pinagkainan namin. Si Leo naman ang naghugas ng pinagkainan namin.

Akmang aakyat na sila Hazel sa kwarto nila nang biglaang bumukas ang pinto.

"Magandang araw sa lahat!" masiglang bati ni Ginoong Deseo at pumasok sa loob. Napatingin ito samin apat.

"Kamusta ang pakiramdam niyo mga Binibini?"nakangiti niyang tanong.

"Ayos lang naman po." magalang na sabi ko.

Inanyayahan ko siya na maupo sa sofa at umupo kaming apat katapat niya.

"Binabati ko kayo sa inyong ginawa mga Binibini. Magaling ang inyong ginawa." sincere na bati nito samin.

"Sila Hazel at Rin lamang ang gumawa ng lahat. Nanatili lamang kami rito sa bahay." napatitig saglit si Ginoong Deseo kay Akira dahil sa sinabi nito.

"...Hindi pa rin ba maayos ang lagay niyo, Binibini?" pagtatanong nito pero hindi sumagot ang tatlo.

Naging tahimik saglit ang kapaligiran. Narinig namin ang pagbukas ng pinto kaya sabay sabay kami tumingin kung sino ang pumasok.

Takang tumingin si Morpheus sa Kuya nito pero nakangiti naman ang kuya nito sa kaniya.

"Morpheus!" biglang tumayo si Ginoong Deseo at tumakbo palapit kay Morpheus. Agad naman siya kinotongan ni Morpheus nang pagkalakas.

The Other WorldWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu