26

46 4 0
                                    

AKIRA P.O.V

Ano bang trip ng panahon, ha?! Nant-trip pa yung panahon?! Pinagloloko niyo ba ako?!

Nakatayo lang ako sa hallway at masama ang tingin sa bintana. Mukhang may bagyo at malakas ang hangin ngayon sa labas kaya sarado lahat ng bintana.

Sobra sobra ba yung galit ng mga kapatid na babae ni Ginoong Deseo para pagtripan yung panahon?

May bigla naman akong nakita na yero na palapit dito sa pwesto ko. Nanlaki naman ang mata ko.

Wait!

"KYAAAAHHH" tili ko at agad na tumakbo palayo sa bintana.

Narinig ko na tumama yung yero sa bintana at agad naman akong nagtago sa isa sa mga pader na malapit, baka mabubog ako, eh.

Kahit nagtatago na ako sa pader ay ramdam ko ang lakas ng hangin dahil nataas yung dress na suot ko. Damn!

Napatingin naman ako sa likod ko dahil may narinig akong nahulog. Andoon si Lei at namumula ngayon ang mukha. Sinamaan ko siya ng tingin at sinipa ang tiyan niya.

"BASTOS!" sigaw ko at kinotongan ko pa siya.

Buhos ko kaya lahat ng galit ko kay Lei? Nakakairita, eh.

THIRD PERSON P.O.V

Nang mapansin ni Arnel na tulog na si Rin ay ihihiga na dapat niya ang binibini pero ayaw bumitaw ni Rin sa manggas ng damit ni Arnel kaya hindi siya mahiga ni Arnel ng maayos.

Napabuga naman ng hangin si Arnel. Inayos niya ang pagkakaupo niya. Sinandal niya ang likod niya sa pader at komportableng inihiga si Rin sa balikat niya.

Mas siniksik pa ni rin ang ulo niya sa leeg ni Arnel na ikinagulat ng binata.

'Mukhang komportable na si Binibining Rin.' nakangiti niyang sabi sa isip-isip niya.

Hinawakan niya ang ulo ni Rin at hinimas himas 'yon. Hindi man alam ng binata ang iba pang pinagdadaanan ng binibini pero alam niyang nasaktan ito ng husto. Sinasadya o hindi man ng mga taong nasa paligid ni Rin.

Biglang inantok si Arnel at natulog na lang din kahit pa na napakabigat ni Rin.

Ang mga tao sa bayan ay nagsasaya lamang doon. Napagisipan nilang kumain na dahil nagugutom na ang karamihan at hindi sila nakakain kahapon dahil sa nangyari.

Inutusan si Labos na tawagin na sila Arnel at Rin. Nagtungo siya sa bahay ni Arnel at binuksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang dalawang taong natutulog. Dahil hindi nagustuhan ni Labos ang nakita niya ay sinara niya ang pinto at sinabihan ang iba na huwag na munang istorbohin sila Arnel sa bahay dahil nagpapahinga pa ang mga 'to.

GINOONG DESEO P.O.V

Hanggang ngayon ay hinahanap ko pa ang kapatid ko, si Kupido.

Asaan na naman ba siya? Dito ko sa lugar na'to naramdaman ang mahika niya, eh. Hindi ba niya nakikita ang nangyayari?

Una, umulan ng pagkalakas lakas. Pangalawa, uminit naman ng husto na akala mo ay sinusunog ka na.
Pangatlo, etong bagyo na parang gustong tangayin lahat.

Hindi ba niya alam na galit na ang mga babae niyang kapatid? Isusumbong ko talaga 'to kay kuya, eh.

Sinundan ko lang kung saan ko nararamdaman ang mahika niya. Huminto ako sa ere saglit at pinaliit ang mata ko.

Alam kong nabagyo pero kailangan ko pa rin lumipad para mahanap ko agad 'tong peste kong kapatid.

Sa wakas ay nakita ko rin siya. Ang mahika niya ay Love magic. Sa madaling salita ang kapangyarihan niya ay pagdugtungin ang tadhana ng mga tao. Nalalaman niya agad kung kanino nakatadhana ang isang tao at pagdudugtungin niya ito.

The Other WorldWhere stories live. Discover now