94

36 3 1
                                    

Rin P.O.V

Naka itim na dress ako ngayon at may hawak akong bulaklak. Tinitigan ko muna saglit ang puntod na nasa harap ko bago lumuhod at nilagay ang bulaklak na hawak ko. Hindi muna ako tumayo pagkalagay ko ng bulaklak at tinitigan ang puntod ni Aylene. Gusto ko muna magbigay galang sa puntod niya bago ko harapin yung mga problema na nagaabang sa akin.

Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Aylene dahil sakin. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang nagbabadyang luha na tumulo mula sa mata ko. Naalala ko muli ang huling sandali niya. Wala man lang ako nagawa para sa kaniya.

"Binibining Rin." pinunasan ko ang mata ko bago ko tignan si Arnel. Nakapaskil ngayon sa mukha niya ang kaba kaya't nagtaka ako. Tumayo na ako sa pwesto ko.

"Si Nacy, hindi ko siya makita." kabadong saad niya kaya agad nanlaki ang mata ko.

"Hindi ba't kasama mo lang siya kanina?" tumango siya sa tanong ko.

"May biglang knight ang kumausap sa akin kaya't nalingat ako saglit. Pumipitas lamang siya ng mga bulaklak bago ko kausapin ang knight pero paglingon ko ulit sa kaniya ay wala na siya sa pwesto niya. Nilibot ko ang buong parte kung nasaan kami pero hindi ko siya makita." paliwanag ni Arnel at napahawak na lamang ako sa sentido ko. Ang puntod ni Aylene ay nasa hardin kung saan sila palagi nagkikita ni Ron. Si Ron siguro nagdesisyon na ilagay dito ang puntod niya.

Tinignan ko siya at kinakagat na nito ang kuko niya at nakapaskil pa rin sa mga mata niya ang kaba at alala kay Nacy.

"Hanapin na muna natin siya. Hindi pa naman siguro nakakalayo si Nacy kung pumipitas siya ng bulaklak." saad ko at tinanguan lang ako ni Arnel bago umalis at simulan ang paghahanap.

Tumingin ako sa huling pagkakataon sa puntod ni Aylene. Yumuko ako roon.

"Maraming Salamat."

Ron P.O.V

Nakasandal ako sa isa sa mga pader ng hardin. Katabi ko ay ang batis. Malayo ito sa lugar kung saan ako lagi nananatili tuwing gusto ko magpahinga. Ayoko muna pumunta sa lugar na 'yon. Ayoko makita niya ako na ganito. Ayokong makita niya ako na umiiyak tuwing pumupunta at inaalala ko ang mga panahon na kasama ko siya. Hindi ko na pipigilan ang luha ko tuwing nakikita ko ang puntod niya roon.

Yumuko lamang ako at hinayaan tumulo ang luha ko. Naninikip at nasasaktan pa rin ako tuwing naalala ko siya kahit pa isang buwan na ang nakalilipas. Kung kailan naman maaari na kami magsama shaka naman niya napagdesisyunan na iwan ako.

Hindi ko maaari sisihin si Binibining Rin sa nangyari dahil wala ako sa mga oras na iyon upang protektahan silang dalawa. Wala ako sa mga huling sandali niya.

Naikuyom ko na lamang ang kamao ko dahil sa nararamdaman ko. Gusto ko ilabas ang lahat ng nararamdaman ko pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung kanino at saan ko dapat ibuhos itong nararamdaman ko.

Patuloy lamang ang pagtulo ng luha ko at hindi na ako nagabalang punasan pa iyon.

"Ah! ahn..." napalingon ako sa paligid ko nang makarinig ako ng boses.

"Woa..."napadako ang tingin ko sa kabilang banda ng batis. Dahil may estatwa sa gitna ng batis ay natatakpan nito ang tao sa kabila. Pinunasan ko muna ang mga mata ko bago tumayo. Sinilip ko ang kabilang banda ng batis at doon ay nakita ko ang isang bata na namamangha sa batis na nasa harap niya.

"Nacy?" pagtawag ko sa bata at nilipat ng bata ang tingin niya sa akin. May hawak itong iba't ibang uri ng bulaklak sa kamay niya at naka itim na dress din ito. Pinitas niya ba 'yon? Bawal pitasin ang bulaklak sa hardin.

"Ah!" sa hindi ko malaman dahilan ay biglang lumiwanag ang mukha niya nang tumingin siya sa akin.

Dali dali siyang lumapit sa akin at hindi ko maiwasan ma kyutan dahil sa paglalakad niya sa maliliit niyang binti.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon