23

50 3 0
                                    

THIRD PERSON P.O.V

Ang bunso sa 8 magkakapatid ay nakaluhod ng maayos sa isang madilim na lugar at may babae naman na nakatayo sa harap niya at nakatingin sa screen at tinitignan ang nangyayari sa mga kaharian.

"Iyong ginamit ang iyong mahika kay Binibining Rin?" tanong nito kay Morpheus. Nagulat naman si Morpheus sa biglaang tanong ng kapatid.

"O-opo, ate." pagsagot nito. Hindi niya talaga pino-po at opo ang mga kapatid niya. Ngunit kapag galit ang mga ito ay sinisigurado niyang magalang ang pagsagot niya.

"At nakawala si Binibining Rin sa mahika mo?" tanong nito ulit sa kapatid

"Opo." sagot niya.

"Ahahahaha Ahahahahha." biglang tumawa ang babae niyang kapatid at tinignan lamang ni Morpheus ang babaeng kapatid na parang baliw.

"Anong masasabi mo sa pinili ko maging susunod na Reyna? Magaling, hindi ba?" masaya niyang tanong sa kapatid.

"Oo, dahil bihira lamang ang nakakawala sa mahika ko." sabi naman ni Morpheus.

"Ngunit..." bigla naman pinagpawisan si Morpheus ng magiba ang tono ng kapatid. At may green na aura na rin ang nakapalibot dito.

"Tignan mo ang ginawa nila kay Binibining Rin, hindi nila trinato ng tama. Sino sila para gawin iyon kay Binibining Rin?" galit na sabi ng kapatid na babae. Napalunok naman si Morpheus dahil maaaring mapagbuntungan siya nito ng galit.

Bigla naman lumitaw ang iba pa niyang babaeng kapatid. Kaya mas lalo siyang kinabahan dahil galit din ang mga ito.

Tinignan siya ng mga ito ng masama at napayuko na lang siya sa takot. Tumingin din sila sa screen at tinitignan nila ang nangyayari sa mga kaharian.

RIN P.O.V

Idinilat ko ang mata ko dahil parang naglalakad ako.

"Satingin mo saan kaya galing ang Binibining 'to?" tanong ng isang lalaki. Hindi ko sila makita ng maayos dahil blurred pa ang paningin ko. Ginalaw ko ang braso ko at napadaing dahil ang sakit niya.

Bigla naman akong huminto sa paglalakad.

"Gising ka na ba, Binibini?" tanong sakin ng lalaki at tinignan ko naman siya. Wait...hindi ako naglalakad buhat ako ng isang lalaking hindi ko kilala.

"KYAAAH" tili ko at hinampas ang balikat niya pero ako ang nasaktan dahil masakit yung braso ko.

Agad naman niya akong binaba.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya sakin. May kasama rin siyang lalaki. Tinignan ko lamng sila ng masama.

"Sino kayo?! Saan niyo ako dadalhin?!" sigaw ko sa kanila na ikinagulat nila.

"Binibini, ikaw ay aming nakita lamang at napagdesisyunan na isama pabalik sa aming bayan dahil ikaw ay sugatan. Kung ganiyan din lang naman ang iaasta mo pagtapos ka tulungan ng kasama ko ay manigas ka dyan." iritang sabi ng lalaki sakin.

"Ipagpaumanhin mo ang mga sinabi ng kasama ko. Ako si Arnel at ang kasama ko naman ay si Labos. Ano ang iyong pangalan?" nakangiti niyang tanong sakin.

"Rin." mahinang sabi ko at mas napangiti naman siya ng husto.

"Alam mo ba kung anong nangyari sa'yo, Binibining Rin? Ang iyong braso ay puno ng sugat na parang tinusok." sabi niya.

Huh? Tinignan ko ang braso ko at nakabalot ito sa tela. Tinanggal ko ang tela at may mga tusok tusok nga 'to? Anong nangyari? Hindi ko alam kung ano ang nangyari, eh.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon