36

48 6 0
                                    

RIN P.O.V

Halos isang linggo na rin kami nage-ensayo sa training ground.

May progress naman na kaming apat. Kaya na namin medyo kontrolin yung magic namin. Hindi ko pa rin kaya kontrolin ang buong gubat pero kaya ko ng ihugis na kasing laki ng tao yung lupa hindi nga lang nagalaw.

Nag bibihis na ako ngayon. Nagsuot ako ng dress at sinigurado kong maayos ang itsura ko.

Babalik kami ngayon apat sa kaniya kaniya namin palasyo dahil maayos na ang apat na kaharian. Kailangan din namin gumawa ng schedule namin dahil papasok na kami ngayon sa akademya at sisimulan na namin pumunta ng bayan katulad ng pangako ko kay Ginoong Azrael.

Bumaba na ako at ako na lang pala ang inaantay nila.

Nagpaalam kami agad kay Ginoong Deseo.

"Paalam na Ginoong Deseo. Babalik kami ulit dito." nakangiti kong pagpapaalam kay Ginoong Deseo at tinanguan lang niya ako.

Nag transform na yung mga soul familiar namin. Gumawa ako ng hagdan gamit yung lupa para makaakyat ako kay Morpheus. Nang komportable na ako sa pwesto ko ay kumaway na ako sa tatlo at lumipad na paalis si Morpheus. Umalis na rin yung tatlo.

Lumipad na kami ni Morpheus sa Shisakilzen. Ngayon na lang ulit ako pupunta sa palasyo ng Shisakilzen pagtapos ng mga nangyari. Andaming nangyari sa apat na kaharian.

Nakikita ko na ang palasyo. Nang pababa na kami ni Morpheus ay nakita ko agad yung mga gwardiya at katulong na nag-aantay. Andoon din sila Reyna Gladice yung hari at si Ron.

Nang maka landing kami ni Morpheus ay agad kong ginamit ang magic ko. Gumawa ulit ako ng hagdan pababa. Halata naman nagulat sila Reyna Gladice dahil don.

Nang tuluyan na akong bumaba ay nagbago ulit yung suot ko at naging gown ulit 'to. Nag-anyong tao naman na si Morpheus.

Naglakad naman kami ni Morpheus palapit kila Reyna Gladice.

Yumuko naman ang mga katulong at gwardiya.

"Maligayang pagbabalik sa palasyo, Binibining Rin." sabay sabay na sabi nila.

Nang makalapit kami kila Reyna Gladice ay agad ako yumuko. Ayaw naman yumuko ni Morpheus.

"Magandang araw, Reyna Gladice, Mahal na hari at Prinsipe Ron." nakangiti kong bati sa kanila. Tinanguan lang nila ako at naglakad na kami papasok sa palasyo.

"Kumain ka na ba, Binibining Rin?" tanong sa'kin ng hari at umiling naman ako.

"Kung gano'n ay sumabay ka sa pagkain namin."nakangiting sabi ng hari at tumango naman ako.

Dumeretso kami kung saan kami nakain. Nang makarating kami ay agad na bumukas ang pinto. Kasabay pala namin yung mga Royalty kumain.

Tinignan lang ako ng mga Royalty. Umupo na kami at umupo naman katabi ko si Morpheus. Agad na nagbulungan ang mga Royalty.

Sasabihin din ba nila yung sinabi ng isang Royalty ng Ihyopa? Goodluck, kung si Chiko ay aalis 'yan pero si Morpheus pagsasabihan niyo niyan.

Nagsimula na kaming kumain at panay ang tingin ng mga Royalty kay Morpheus.

Sino kaya magsasalita sa kanila?

"Ipagpaumanhin mo ang sasabihin ko, Binibining Rin." biglang nagsalita yung isang Royalty kaya napatingin kami agad sa kaniya. Babae yung nagsalita.

Kung ako sa'yo hindi na lang ako magsasalita kasi mahal ko pa buhay ko.

"Ano 'yon?" tanong ko naman.

The Other Worldजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें