45

44 5 0
                                    

Sa loob ng tatlong linggo ay puro lang kami praktis at pag-aaral sa akademya. Kada araw ay napapansin namin yung pag-improve ng magic namin. Hindi na kami mabilis mapagod kahit pa gamitin namin ng matagal yung magic namin. Nalaman namin yung limits namin. Nagpaturo din kami ng mga technique or tips tungkol sa magic namin sa mga reyna. Itinuro naman nila sa'min 'yon.

Pero kahit pa na sabihin ko sa sarili ko na nagpraktis naman ako kaya magiging okay lang ang lahat ay hindi pa rin nawawala ang kaba ko.

Sinusundan lang namin sila Leo hanggang sa makarating kami sa labas ng palasyo. Paglabas namin ay nag-aantay sila Morpheus at ang iba pa.

"Magandang umaga mga binibini." nakangiting bati sa'min ni Ginoong Deseo pero hindi kami makapagsalita dahil sa kabang nararamdaman namin.

Tinignan lang ako ni Morpheus at nag transform na siya. Nagtransform na rin yung iba.

Saan naman kami pupunta?

Sumakay kami sa kaniya kaniya namin soul familiar. At umalis na sa palasyo.

.
.
.

Bumaba si Morpheus sa gitna ng gubat. Bumaba naman ako kay Morpheus at lumipad siya palayo.

Ehh?! Bakit niya ako iniwan dito?

May nakita naman akong green flag na nakatusok sa lupa. 

Ano naman gagawin ko? Maglalakad lang ba ako dito?

May biglang puting liwanag naman ang sumulpot sa gilid ko.

[Ehem! Naririnig niyo ba ako mga binibini?] tanong ni Ginoong Deseo.

Tumango naman ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita.

[Sana ay naririnig niyo ako. Ipapaliwanag ko ang gagawin niyo.]

Napalunok naman ako at mas lalong kinabahan. Hindi kami sama-sama nila Akira. Ibig sabihin ay kaniya-kaniya kami.

[Nakikita niyo naman ang telang nakatusok sa lupa, 'di ba?] tanong niya ulit at tumango lang ako.

[Lumakad kayo papasok sa loob ng telang 'yan at pagpasok niyo ay magsisimula na ang pagsusulit niyong ito.] paliwanag ni Ginoong Deseo.

[Kailangan niyo lamang makaligtas, may makikita kayong puting tela na nakatusok din sa lupa kapag natapos niyo na ang pagsusulit na 'to. Maglakad lamang kayo sa telang 'yon at tapos niyo na ang pagsusulit.] dagdag niya pa.

Anong ibig sabihin niyang makaligtas lang kami? Mas lalo lang akong kinakabahan, eh.

[Magsimula na kayo mga binibini, Mag-iingat kayo.] pagtapos sabihin ni Ginoong Deseo 'yon ay nawala na ang liwanag.

Tumingin naman ako sa green na flag at napalunok. Yung tibok ng puso ko na lang yung naririnig ko dahil sa kaba.

Kapag naglakad ako sa flag na 'yon ay magsisimula na ang pagsusulit ko. Bakit kasi individual?! Di ba pwedeng team work?

Huminga ako ng malalim at naglakad na palapit sa flag na 'yon. Nilagpasan ko yung flag na 'yon at parang pumasok ako sa portal.

Nasa gubat pa rin ako pero wala na yung flag na dinaanan ko. Kailangan ko lang daw makaligtas at hanapin yung white flag.

Naglakad lakad naman ako at hinanap yung white flag.

Maya maya ay bigla akong inatake ng puno. Hinampas niya ang sanga niya sa pwesto ko pero nakailag naman ako.

T-teka lang! Wala naman gan'yanan!

Sunod sunod na umatake ang mga puno sa pwesto ko kaya tumakbo ako palayo sa pwesto ko.

The Other WorldWhere stories live. Discover now