117

26 3 1
                                    

Asa hardin ako ngayon sa palasyo ng Ningkahaze. Nakangiti kong pinapanood si Nacy habulin si Arthur na nasa maliit na anyo nito. May nakasabit na kwintas na gawa sa bulaklak sa leeg ni Arthur habang lumilipad ito.

Gusto ko man makipaglaro kay Nacy ngunit hindi kinakaya ng energy ko ang mataas na energy ni Nacy. Kanina lang ay naglalaro kami ng habul habulan at halos nakaka limang round pa lang kami ni Nacy ay pagod na agad ako. Eto ba ang napapala ng hindi nag e-exercise?

"Binibining Rin." napatingin naman ako sa nakayukong katulong ng tawagin ako nito.

"Kayo ay pinapatawag ni Binibining Akira sa opisina niya." magalang na sabi nito at tumingin ako muli kay Nacy at tinawag ito.

"Nacy!" sigaw ko sa pangalan niya at napahinto ito sa pagtakbo at tumingin sakin. Sinenyasan ko itong lumapit sakin at tumakbo naman ito palapit sakin.

Nang makalapit si Nacy sakin ay nag squat ako para magpantay ang tingin namin. Taka itong tumingin sa mga mata ko at nginitian ko naman siya. Marahan kong hinawakan ang braso niya.

"Aalisin muna ako saglit. Pinapatawag ako ni Ate Akira mo, makipaglaro ka muna kay Arthur." sabi ko rito at ngumiti naman siya bago tumango tango.

Tumingin naman ako kay Arthur na lumipad sa gilid namin at nag-anyong tao. Tumayo naman ako at humarap kay Arthur.

"Maaari mo bang bantayan si Nacy? Pupuntahan ko lamang si Akira sa opisina niya." yumuko naman si Arthur at magalang na sumagot.

"Akin siyang babantayan ng maigi." magalang na sagot nito at napangiti naman ako.

Muli akong tumingin kay Nacy at yumuko para halikan ang noo nito.

"Babalik din agad ako." nakangiti kong sabi sa kaniya pagkahiwalay ng labi ko sa noo niya. Ngumiti naman siya sakin.

"Paalam, Mama!" nakangiti niyang sabi bago humawak sa kamay ni Arthur. Kumaway ako sa kaniya bago naglakad paalis.

***

Nang makarating ako sa opisina ni Akira ay kumatok ako ng tatlong beses.

"Tuloy!" sigaw nito mula sa loob at binuksan ko ang pinto. Inangat ni Akira ang tingin niya at nagtama ang tingin namin dalawa kaya nginitian ko naman siya. Halata ko ang inis ni Akira nang ngitian ko siya.

Lumapit ako sa sofa na katapat ng lamesa ni Akira at umupo roon. May mga pagkain at inumin ang nakahain sa lamesa at kinuha ko ang orange juice at ininom 'yon.

Narinig ko naman ang pag buntong hininga ni Akira.

"Wala akong problema kung mananatili kayo rito ni Nacy pero limang araw na kayo narito. LIMANG ARAW na, ayos lang ba talaga na ganito ka katagal mawala sa palasyo?" hindi makapaniwalang tanong nito sakin. Binaba ko naman ang inumin ko at tinignan siya.

"Wala pa naman akong naririnig na reklamo galing kay Reyna Gladice kaya satingin ko ay ayos lang na mawala ako nang ganitong katagal." nakangiti kong sagot at mukhang mas lalo siyang nainis.

"Ano bang ginagawa ni Morpheus at umabot ng limang araw?!" inis na tanong nito at nagkibit balikat lang ako ulit bago kumuha ng cookies at kumagat doon.

Inis itong bumalik sa ginagawa niya at inubos ko naman ang cookies na kinakain ko. Maya maya lang din ay nakarinig kami ng katok mula sa pinto.

Bumuntong hininga naman si Akira.

"Tuloy!" pagod na sigaw nito at may isang guwardiya ang nagbukas ng pinto. Yumuko muna ito sa amin bago magsalita.

"Si Ginoong Morpheus ay dumating na at may kasama itong lalake. Gusto ni Ginoong Morpheus na makausap kayo, Binibining Akira." sabi nito at tumingin naman ako kay Akira.

The Other WorldWhere stories live. Discover now