54

35 2 0
                                    

RIN P.O.V

Pagtapos ng pangyayari ay nagbihis kami ulit apat sa jacket at jagger. Katulad lang din ng suot  kahapon nila Morpheus ang suot nila ngayon.

Nagsuot ulit kami ng mask at mukhang maglilibot ulit sila Arnel sa bayan. Napadako ang tingin ko kay Aylene.

Aalis kami lahat at maiiwan siya dito. Okay lang kaya siya dito? Pakiramdam ko kahit wala kami dito hindi pa rin siya komportable, eh.

Bigla siyang tumingin sa'kin at nagtama ang mata namin. Akala ko ay iiwas siya ng tingin pero hindi. Lumapit siya bigla sakin na ikina gulat ko.

"Maaari ba ako humingi ng pabor, Binibining Rin?" nagulat ako sa tanong niya. Dahan dahan akong tumango sa kaniya.

"Ano 'yon?" pagtatanong ko sa kaniya.

"Maaari ba akong sumama sa inyo papunta sa bayan ng Desert Rose?" deretsang tanong niya.

"Aylene!" pagtawag ni Ron kay Aylene.

Palipat lipat ang tingin ko kay Aylene at Ron. May problema ba? Kung mayroon huwag niyo ko idamay. Dami ko rin problema.

"Pwede naman, 'di ba Morpheus?" tumingin ako kay Morpheus at tumango lang siya.

"Kung sasama si Binibining Aylene ay kailangan niya magpalit ng damit. Sa pagkakaalam ko ay mayroon sa damitan ni Binibining Rin na damit. Kukunin ko lamang." sabi ni Morpheus at umakyat na sa taas para kunin yung damit ko.

Bigla naman lumapit si Ron sa pwesto namin ni Aylene.

"Hindi ka maaari sumama sa kanila." nag-aalalang sabi niya kay Aylene.

"Alam kong delikado ang pupuntahan nila ngunit gusto ko sumama, gusto ko rin sila mahanap." determinadong sabi ni Aylene kay Ron.

Bigla naman hinawakan ni Ron yung pisngi ni Aylene.

"Alam kong nag-aalala ka sa kanila ngunit hindi mo kailangan ilagay ang sarili mo sa panganib."nag-aalalang sabi niya kay Aylene.

Kailangan maglandian sa harap ko?

Umalis ako roon at lumapit kila Hazel na nakaupo sa sofa ngayon.

"I want to sleep." inaantok na sabi ni Hazel.

"Kala mo ikaw lang? Gusto ko din matulog, ayoko makita yung mga kapre. Lumitaw sila kagabi sa panaginip ko at..." biglang niyakap ni Akira ang sarili niya.

"Kailan kaya tayo matatapos?" tanong ko sa kanila.

"Hindi ko rin alam, hindi lang naman 'to ang lugar na pupuntahan natin, eh." pagsagot ni Hazel.

Bumaba na si Morpheus at inabot kay Aylene ang jacket at jagger. Umalis muna si Aylene para magbihis. Pagkatapos niya magbihis ay tumayo na kaming apat at dumeretso sa pinto.

Nagpaalam na kami sa mga lalaki at umalis na kami.

Katulad kahapon ay naglakad kami malayo sa bayan para makapagtranform sila Morpheus. Nang makalayo na kami ay nagtransform na sila Morpheus. Sumakay kami ni Aylene kay Morpheus.

"Kumapit ka sakin, baka tumalsik ka." sabi ko kay Aylene at nilagay ang braso niya sa bewang ko. Kumapit naman ako kay Morpheus at tumakbo na siya nang pagkabilis.

Nakarating ulit kami sa tuktok ng bundok. Bumaba kami at tinignan ulit ang view sa taas ng bundok.

"Ililigaw ba tayo ulit ng mga kapre?" tanong ni Hazel at umiling naman si Morpheus.

The Other WorldKde žijí příběhy. Začni objevovat