39

43 6 0
                                    

RIN P.O.V

Gumising kaming apat at pinagpalit ng damit ni Morpheus. Casual clothes lang daw ang susuotin namin para hindi daw malaman ang identity namin apat.

May hinanda na silang casual clothes samin.

Naka maong na short lang ako at plain gray T-shirt. Si Hazel naman ay maong na palda at black na crop-top. Si Akira naman ay naka rip jeans at brown T-shirt. At si Reina naman ay naka high waist na pantalon at off shoulder.

Kumain muna kami bago dumeretso sa labas ng Miaguazu. Inaantay na lang namin sila Morpheus.

"Bakit nga ulit tayo pupunta ng bayan?" tanong ko kay Hazel.

"Hindi ko alam, ikaw kaya yung kinausap." sabi naman ni Hazel.

"Hindi ko nga maalala, eh."sabi ko naman.

Sa daming nangyari nakalimutan ko na yung dahilan.

Nakita naman na namin sila naglalakad na palapit dito. May dumating din bigla na dalawang karwahe sa harap namin.

Nakapantalon silang apat pero naka blue na polo si Morpheus, red na sweatshirt kay Jack, plain na black T-shirt kay Leo at dark blue na polo kay Arthur.

Ngayon ko lang sila nakita na naka casual clothes. Lagi kasi silang naka knight suit.

"Umalis na tayo mga binibini." sabi ni Morpheus at binuksan ang pinto ng karwahe.

Mukhang sa kabilang karwahe sila sasakay.

Nang makapasok na kaming apat ay sinara na niya yung pinto.

"Ngayon na lang ulit ako nakasuot ng gan'tong damit. Parang na we-weirdan ako." biglang sabi ni Akira.

"Bigla akong may naalala." biglang sabi ko at napatingin naman sila sa'kin.

"Nasa Miaguazu tayo 'di ba?" tanong ko at tumango sila.

"Tapos pupunta tayo ng bayan ng Shisakilzen. Ang layo layo ng Shisakilzen. Makarating kaya tayo agad?" tanong ko at nagkibit balikat lang sila.

"Aba malay ko." kibit balikat na sabi ni Akira.

Nagkwentuhan na lang kaming apat hanggang sa huminto ang karwahe. Tumingin kami sa labas at nagtataka kami dahil puro puno lang ang nakikita namin. Binuksan namin yung pinto at bumaba kaming apat.

Bumaba na rin sila Morpheus at umalis na ang karwahe.

"Bakit nandito tayo? Bayan ba 'to ng Shisakilzen?" takang tanong ko kay Morpheus.

"Hindi, pero sakop 'to ng Shisakilzen. Lalakarin na'tin papunta sa bayan." sabi ni Morpheus at nagsimula nang maglakad ang mga lalaki.

Naiwan naman kaming apat at hindi makapaniwala sa sinabi ni Morpheus.

Maglalakad kami? Pwede naman sila mag transform para makarating kami doon!

Sumunod agad kaming apat dahil baka lumayo layo na sila at iwan pa kami dito.

Kasabay namin maglakad ang mga soul familiar namin at nauuna kami ni Morpheus maglakad. Nasa gilid ko si Hazel at si Leo nasa likod naman sila Akira.

Ah! Yung itatanong ko nga pala kay Morpheus.

"Morpheus, bakit nga ba tayo pupunta ng bayan?" tanong ko sa kaniya.

"Dahil sa mahika ko." maikling sagot niya.

"Ano ba mahika mo?" tanong ko ulit at tinignan naman niya ako.

"Nakikinig ka ba sa sinabi ni Kuya Azrael?"iritang tanong niya.

The Other WorldWhere stories live. Discover now