72

36 3 1
                                    

RIN P.O.V

Nasa bahay kami ulit ni Niwe ngayon. Inaantay na lang namin siya. Umalis kasi ito para ipaalaga sa ibang tao yung mga bata na kasama niya. Hindi niya ito mga kapatid ngunit inaalagaan niya ang mga ito dahil nawala ang mga magulang ng bata.

Kami lang ulit nila Hazel at ng mga prinsipe. Hindi pa rin maayos ang pakiramdam ng dalawa kaya hinayaan na muna ulit namin sila.

Nang bumalik na si Niwe ay nagsimula na kami naglakad palayo sa bayan.

"Uhm...may gusto ba kayo puntahan?" pagtatanong ni Niwe. Tinignan niya kami na may kaba habang naglalakad.

Hindi rin namin alam, eh.

"May isa pang kagubatan dito, hindi ba?" tanong ni Morpheus at tumango tango naman si Niwe.

"Gusto niyo ba pumunta roon?" tanong ni Niwe at tumango naman si Morpheus.

Sinundan lang namin si Niwe sa paglalakad. Gubat pa rin ang nakikita namin at walang nagbabago roon. Kahit saang anggulo ako tumingin ay puno lang ang nakikita ko.

Ilang saglit lang ay huminto si Niwe kaya huminto rin kami. Tinignan ang unahan at katulad lang din siya ng iba pero bakit kami huminto?

Tinignan ko si Niwe at parang nagaalanganin siya humakbang.

"May problema ba?" tanong ni Hazel nang mapansin ang itsura ni Niwe.

"May itim na aura akong nakikita na nakapalibot sa gubat." alanganin na sabi ni Niwe.

"Itim na aura?" takang tanong ni Hazel at akmang hahakbang na nang pigilan siya ni Niwe.

"May...kamay na nag-aabang para hablutin ka." parang natatakot na sabi ni Niwe. I feel bad for him. Mukhang natatakot siya sa nakikita niya.

Nilingon ko si Morpheus para magtanong kung ano ang dapat namin gawin nang makita ko ito na nagsusuot ng maskara. Ang kanan mata lamang ang makikita mo sa mukha niya.

"Morpheus?" takang pagtawag ko sa kaniya.

"Huwag kayong gagalaw." sabi niya at naglabas ng purple na aura.

Agad kaming nagulat dahil doon. Ang aura na iyon ay pumalibot samin na para bang usok. Kumapit naman ako sa braso ni Morpheus dahil siya ang pinaka malapit sa'kin.

Unti-unting nag-iba ang paligid kaya agad ako napatingin sa harap. Agad tumaas ang balahibo ko nang makita ko ang itim na aura na nakapalibot sa gubat na sinasabi ni Niwe.

Nasa daan kami at nasa harap kami ng gubat. Nakita ko rin ang mga itim na kamay na sinasabi ni Niwe pero kung titignan mo ng maigi ay may mukha rin doon na parang sumisigaw samin na lumapit kami. Ang iba ay nakangiti pa at gusto agad kami dakmain. Napakapit ako ng mahigpit sa braso ni Morpheus.

Ang aura ni Morpheus ay patuloy pumapalibot sa'min at kalaunan ay umabot na sa mga kamay at mukha na nakikita namin.

"Tsk." rinig kong singhal ni Morpheus.

"Binibining Rin, manatili lamang kayo rito. Ginoong Niwe sumama ka sa'kin." tinanggal ni Morpheus ang kamay ko na nasa braso niya at lumapit kay Niwe na nasa tabi ni Hazel.

"Huh? Bakit naman dito lang ako?" takang tanong ko kay Morpheus pero tinignan lang ako nito bago hilahin si Niwe.

"Dahil panigurado ay lalabas sila rito. Mag-iingat kayo." sabi ni Morpheus at pumasok kung nasaan ang mga kamay kasama si Niwe.

Lalabas sila? Sinong lalabas?

Morpheus P.O.V

"Ayos lang ba na iwan natin ang mga binibini?" tanong ni Ginoong Niwe habang hinihila ko ito.

The Other WorldNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ