58

35 1 0
                                    

RIN P.O.V

Una siyang sumugod sa'kin at sinalag naman agad ng espada ko 'yon pero masyado siyang malakas para ma de-fend ko ang sarili ko.

"Argh." daing ko matapos tumilapon dahil hindi kinaya ng espada ko ang pagsalag sa espada niya.

Tumakbo siya palapit sa'kin kaya tumayo agad ako at agad na pinagaling ang mga sugat ko.

Sinalubong ng espada ko ang espada niya. Tamang salag lang ako ng espada niya dahil hindi ako maka-atake. Masyado siyang bihasa sa paggamit ng espada niya.

Bigla naman nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko ang bato sa likod ko. Hindi ko napansin na napapaatras na pala ako. Sinasalag ko lang ang mga atake niya.

Inatake niya ako sa ulo at agad naman akong umilag kaya ang nahiwa ay ang bato.

Sinipa ko siya palayo sa'kin para magkaroon man lang ako ng distansya mula sa kaniya.

Balak niya pa ako patayin? May galit din ba siya sakin? Kung hindi ko inilagan yung atake niya ay wala na akong ulo.

"Binibini, bakit espada ang ginagamit mo? May iba pang armas na pwede mong gamitin. Mukhang hindi ka bihasa sa paggamit ng espada."

Anong mukhang hindi ako bihasa, hindi talaga ako bihasa. Sila Akira at Hazel lang naman marunong gumamit ng espada, eh.

Hindi ko siya sinagot at tinignan ko lang siya at dahil do'n ay sumugod na naman siya.

Naipipikit ko ang mata ko habang sinasalag ang mga atake niya. Masyadong mabigat ang pagkakahawak niya sa espada niya. Isang kamay lang naman gamit niya.

Bigla naman ako natisod sa isang bato kaya nadapa ako. Tatayo na dapat ako nang itutok niya sa leeg ko ang espada niya kaya tinignan ko siya.

Pinagpapawisan na rin ako at nararamdaman ko na bumibigat na ang katawan ko.

"Binibini, sa daming armas na pwede mong gamitin, bakit espada ang napili mo?" pagtatanong niya pero hindi ako sumagot.

Kahit anong armas naman ang gamitin ko ay hindi ko kaya gamitin. Masyadong maliit ang kamay ko para sa mga armas.

Bigla naman niya inalis ang espada niya sa leeg ko kaya tinignan ko siya na may pagtataka.

"Pumili ka ng armas na kayang tamaan ang kalaban mula sa malayo." mas lalo naman akong nagtaka sa sinabi niya.

"Binibini, sampung minuto na lang ang natitira sa oras mo." agad akong napatingin sa orasan at tama nga siya. Sampung minuto na lang ang natitira sa'kin.

Pinikit ko ang mata ko at nag-isip ng armas na pang long-range.

Ano ba ang mga armas na pang long-range? Baril? Pero espada gamit niya at kayang kaya niyang ilagaan ang mga bala dahil hindi naman ako marunong bumaril.

Pana? Pero bago pa ako makapana ay paniguradong talo na ako dahil espada ang gamit niya.

Kailangan ko ng armas na kaya kong gamitin. Ano pa bang armas ang pang long-range?

Bigla naman akong may naalalang armas. Dinilat ko ang mata ko at nawala ang espadang hawak ko at napalitan 'yon ng isang mahabang kadena na may patalim sa dulo.

Woah! Kaya ko pa rin pala gumawa ng armas gamit ang imahinasyon ko. Limitado lang kasi ang armas na nalalabas namin gamit ang magic namin. Pero humiling ako dati kay Reyna Gaia ng kapangyarihan at isa sa mga kapangyarihan na binigay niya ay yung imahinasyon ko. Ang mga nai-imagine kong armas ay magiging totoo kahit pa walang gano'n sa mundong 'to.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon