22

44 4 0
                                    

RIN P.O.V

May biglang anino ang tumama sakin pagtapos ko iabot kay Ron ang kwintas. Pinipilit ng anino na pumasok sa loob ko.

"AARRRGHHH" sigaw ko at napaupo sa sahig. Tinakpan ko ang tenga ko dahil may mga tumatawa akong naririnig at sumasakit din ang ulo.

Anong nangyayari?

Maya maya ay nawala ang mga tumatawa at nawala na din ang sakit ng ulo ko.

Tinignan ko ang paligid ko at puro itim lang ang nakikita ko. Asan si Ron? Asan ako?

"Ikaw pala si Binibining Rin, ang pinili ng aking kapatid." napatingin ako sa nagsalita. May isang lalaki sa di kalayuan na nakatingin at nakangiti sa'kin.

Wait, anong sabi niya? Pinili ng kapatid niya? Sino ba kapatid niya?

Hindi ko alam pero hindi ako kinakabahan sa kanya sa halip ay pakiramdam ko ay ligtas ako dahil nandito siya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Aahh, hindi mo pa pala nakikita ang aking kuya at hindi naipapaliwanag sa'yo ng maayos ng reyna. Ako ang bunso sa 8 magkakapatid ang aking pangalan ay Morpheus." sabi niya. Siya ang bunso sa 8 magkakapatid? Eh bakit nandito siya?

"Bakit nandito ka?" tanong ko at mas lalo siyang napangiti.

"Gusto mo ba makita ang mundo niyo kung wala ka?" nakangiti niyang tanong at nanlaki ang mata ko dahil doon.

"Huh?" gulat na tanong ko.

"Kaya kong ipakita sa'yo ang mundo niyo na wala ka. Tignan mo." nakangiti niyang sabi at tinuro niya ang likod ko.

May malaking screen doon. Nakita ko ang mga kaibigan ko na masayang nanonood ng movie sa isang bahay. Masaya silang magkasama na...wala ako. Biglang nanikip ang dibdib ko dahil doon.

"Masaya ang kaibigan mo kahit wala ka." biglang bulong sakin ni Morpheus pero hindi ko siya nilingon. Bigla naman nag-iba ang nasa screen at nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko.

Andoon ako at kasama sila, nagtatawanan kami ngunit pilit lamang ang mga ngiti at tawa ko doon. Naglalakad kami at nasa likod lang nila ako habang masaya silang nagk-kwentuhan. At nung sumingit ako sa pinag-uusapan nila ay pilit lamang sila ngumiti sakin.

"Ngunit hindi sila masaya nung kasama ka nila." bulong ni Morpheus

Pinakita niya pa ang mga iba kong ala-ala kung saan napipilitan lang ang mga kaibigan ko na makasama ako.

Nilimot ko na ang mga 'to. Bakit?Bakit pinapaalala mo sakin ang mga 'to?

Biglang nagiba ang nasa screen at pinakita doon ang mga naging boyfriend ko na pare-parehas na niloko ako. Wala akong pake kung masaya sila kahit wala ako. Masaya din ako na wala sila.

Biglang naiba ulit ang nasa screen at nasa bahay ako. At ipinapakita sa screen ang pag-aaway ni Papa at mama.

"Bakit mo nagawa 'yon?! HA?!" sigaw ni mama kay papa.

"Sawang sawa na ako sayo! Sawang sawa na ako sa inyo ni Rin! Bakit kailangan ko maging ama ni Rin?! Bakit kailangan kita maging asawa?!Ha! Ikaw ang bumukaka sakin!" sigaw naman ni papa at sinampal siya ni mama.

"WALA KANG KARAPATAN PAGSALITAAN KAMI NG GANIYAN NI RIN! NG ANAK KO ! HINDI MO NA NGA KAMI BINUBUHAY ANG LAKAS PA NG LOOB MO MAMBABAE! HUWAG MONG KALIMUTAN NA PERA KO ANG PINAMBIBILI MO NG MGA ALAK AT MGA SUHOL NG BABAE MO!" sigaw ni mama. Iniwas ko ang tingin ko dahil sa nangyayari. Pumatak ang luha sa mata ko. Bakit? Ayoko maalala ang mga 'to?

The Other WorldWhere stories live. Discover now