41

51 4 0
                                    

Tulad ng plano ni Hazel ay gagamitin ni Reina ang mahika niya upang makahinga kami sa ilalim ng dagat. Dahil hindi kami marunong lumangoy ni Reina ay hahawakan kami ng maigi nila Hazel para makalongoy kami.

"Rin, huwag kang magpabigat igalaw-galaw mo na lang yung paa mo." sabi ni Hazel.

Ginaya ko yung paggalaw ng paa ni Hazel.

Mahigpit ang kapit ko kay Hazel dahil ang dilim ng ilalim ng dagat.

Hindi pa kami gano'n nasa ilaim. Kanina pa kami nalangoy sadyang malalim lang talaga 'tong dagat.

"Wala akong makita, saan ba tayo pupunta?" reklamo ni Akira.

"Aba malay ko! Lumalangoy lang ako inaantay ko kidnapin tayo dito." sabi naman ni Hazel.

"Gamitin mo kaya yung Fire magic mo." suggest ni Akira.

"B*b*, nasa tubig tayo papagamit mo sa'kin." iritang sabi ni Hazel.

Tinignan ko naman yung palad ko. Sa pagkakaalam ko kaya ko magprouduce ng liwanag, eh. Ano nga ba sasabihin ko?

Uhm...

"Light?" pagkasabi ko ay may bilog na ilaw ang lumabas sa kamay ko.

"Woah! Marunong ka pala, eh!" sabi naman ni Akira.

"Sorry, nakalimutan ko marunong pala ako magproduce ng liwanag."sabi ko naman.

Nagpatuloy lang kami lumangoy pero wala pa rin nangyayari.

"Baka kailangan lumangoy tayo sa taas lang. Baka mas gusto nilang hinihila nila kaysa inaantay sila." sabi naman ni Akira.

"Alam mo, manahimik-" nagtaka kami dahil hindi natuloy ang sasabihin ni Hazel. Nanlalaki lamang ang mata niyang nakatingin kay Akira.

Sinundan namin yung tingin niya at nanlaki din yung mata namin at sabay sabay tumili.

"KYAAAAAAAAAAA!" tili namin at agad lumangoy palayo doon. Akala ko magpapa kidnap tayo?

May nakita kaming isang Syokoy! Syokoy siya Syokoy! Sigurado ako! Kulay green na may patusok tusok sa ulo! Syokoy 'yon!

Pero may humawak ng paa ko.

"AAAHHHH BITAW BITAW BITAW BITAW!" nagpapanic kong sigaw.

"Rin!" huminto sila Akira sa paglangoy. Hinihila naman ako ni Hazel at hinihila ng shokoy yung paa ko. Mas malakas yung shokoy at dahil doon ay nahila kami parehas ni Hazel.

Hinawakan kaming dalawa ni Hazel at inabot naman ng Syokoy sila Akira. Hindi na nagpumiglas sila Akira at hinayaang magpahuli sa Syokoy.

Magkasama kami ni Hazel sa isang kamay ng Syokoy at sa kabilang kamay naman ay sila Akira.

Ang unang plano talaga namin ay hahayaan namin hulihin kami pero hindi naman namin alam na nakakatakot itsura ng mga Syokoy, eh. Malay ba namin.

Lumangoy ang Syokoy papunta sa madilim na parte ng dagat. Biglang huminto ang Syokoy kaya napatingin naman kami sa ibaba dahil may nakikita kaming liwanag doon.

May mga ibang Syokoy din doon at may mga kulungan din. Panigurado ay nandoon ang mga taong hinuli nila. Lumangoy na siya pababa. Pagkababa ay lumangoy langoy siya sa mga kulumgan at tama nga ako. Mga tao ang nandoon pero mukhang nakakahinga sila ng maayos. May nakita pa kaming mga bata na umiiyak.

Huminto siya sa isang kulungan at tinapon kaming apat sa loob. Tumama naman yung katawan namin sa pader. Buti na lang nasa tubig kami kaya dahan dahan kaming bumagsak pababa.

The Other Worldحيث تعيش القصص. اكتشف الآن