108

22 3 0
                                    

Chapter 108

Nakapikit ang mga mata ni Rin habang nakahiga sa kaniyang higaan. Madiin ang pagkakapikit ng kaniyang mata at ang kaniyang mga kilay ay halos magdugtong na.  Bahagyang nakauwang ang bibig nito at mabigat ang paghinga nito. May mga butil ng pawis ang noo nito. 

"No...please...huwag...huwag..." may tumulong luha mula sa mata nito. 

Bigla naman bumukas ang pinto ng kwarto ni Rin at agad narinig ni Morpheus ang pag-iyak ni Rin kaya't dali-dali niya itong nilapitan at dahan dahan inalog ang katawan nito para gisingin. 

"Binibining Rin!" pagtawag niya rito ngunit patuloy lamang umiiyak ito. 

Ginamit naman ni Morpheus ang kapangyarihan niya para palabasin si Rin sa panaginip nito. 

Biglang bumukas ang dalawang mata ni Rin at napaupo ito habang hinihingal. Pinunasan naman ni Morpheus ang pawis nito sa noo niya. Nilibot ni Rin ang paningin niya at agad tinanong ni Rin si Morpheus nang hindi niya mahanap sa kwarto niya ang taong hinahanap niya. 

"Si Arnel?" agad napatigil si Morpheus nang marinig niya ang tanong. Tinignan siya ni Rin sa mata habang hinihintay ang sagot niya ngunit iniwas lang ni Morpheus ang mata niya. 

Agad nanlamig ang talampakan ni Rin at bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba. 

Hinawakan nito ang dalawang balikat ni Morpheus at pwersahang hinarap sa kaniya. Makikita mo sa mata ni Rin ang desperada na malaman ang sagot. 

"Asaan siya?!" halos pasigaw na tanong ni Rin.

"Huminahon ka muna, Binibining Rin." kalmadong sabi ni Morpheus pero umiling iling lang si Rin at may mga luha muling namumuo sa mata niya. 

"S-sa panaginip ko...nakita ko ang pagkamatay ni Arnel...a-ako yung pumatay sa kaniya..." nanginginig ang mga labing sabi ni Rin at muling tumulo ang luha niya sa mata. 

"Asaan siya? Pakiusap, sabihin mo sa akin." nanginginig ang mga kamay na hinawakan ni Rin ang kamay ni Morpheus ngunit hindi ito sumagot. 

Ilang minutong inantay ni Rin ang sagot ni Morpheus ngunit hindi ito nagsalita kaya't inis na tumayo si Rin na ikinagulat ni Morpheus. 

Bago pa makatakbo si Rin ay nahawakan na ni Morpheus ang braso nito. Kaya't napatigil ito at inis na humarap muli kay Morpheus. 

"Saan ka pupunta? Kailangan mong magpahinga." 

"Bitawan mo ko!" pwersahang tinanggal ni Rin ang kamay ni Morpheus sa braso niya at nang matanggal ay dali dali itong kumaripas ng takbo. 

"Binibining Rin!" sigaw ni Morpheus at sinundan si Rin sa pagtakbo. 

"Arnel!" pagsigaw ni Rin sa pangalan ng lalaking hinahanap niya. Binuksan niya lahat ng pintong nakikita niya at patuloy sinisigaw ang pangalan nito. 

Narinig naman nila  Ron ang pagsigaw ni Rin kaya't tumayo ito at binuksan ang pinto kung nasaan siya. Nasa loob siya ng kwarto ni Reina upang tanungin si Aizen sa mga nangyari. Kababalik lamang nila. 

Pagbukas ni Ron ng pinto ay saktong nasa harap na nito si Rin na hinihingal kakatakbo. Gulat itong tumingin kay Rin at akmang magsasalita na nang itulak siya ni Rin at pumasok ito sa loob. 

"R-rin?" pagtawag ni Reina sa kaibigan niya. Kakagising lamang nito kani-kanina. 

"Binibining Rin!" nakahabol na si Morpheus sa kaniya at nasa tapat ito ng pinto upang pigilan si Rin sa pagtakbo. 

"Nakita mo ba si Arnel, Rei?" hinihingal na tanong ni Rin at agad nanigas si Ron sa kinakatayuan niya. 

Nagtaka naman si Reina sa tanong ni Rin at umiling iling. 

The Other WorldWo Geschichten leben. Entdecke jetzt