49

40 2 0
                                    

RIN P.O.V

Nang maghatinggabi na ay lumabas na ako sa kwarto ko at agad kong nakita si Hazel.

Kinakabahan ako ngayon sa gagawin namin ni Hazel.

"Tara na." bulong niya sakin at naglakad kami papalayo.

Tuwing may dumadaan na gwardiya ay agad kaming nagtatagong dalawa.

Mukhang hindi namin mahahanap kung nasaan ang mga dinakip kung magkasama kami ni Hazel.

"Hazel, maghiwalay tayong dalawa." sabi ko at agad siyang umiling.

"Masyadong delikado kung maghihiwalay tayong dalawa." sabi naman niya.

"Pero hindi naman natin mahahanap yung mga nadakip kung magkasama tayo. Mas mapapadali kung magkahiwalay tayo." sabi ko naman at nag-isip saglit si Hazel bago tumango.

"Sige, mag-iingat ka." sabi niya at lumayo ako sa pwesto namin.

Huminto ako sa pasilyo at lumingon lingon.

Kung tama ang pagkakaalala ko ay nararamdaman nila Morpheus ang presensiya ng mga diwata. Kung gano'n...

'Morpheus!'

[Binibining Rin?]

'Pwede ka ba pumunta ngayon dito sa pwesto ko? Kaya mo naman gamitin yung summon magic 'di ba?'

[Kaya ko nga pero...maghintay ka lamang d'yan.]

Maya maya ay lumitaw na si Morpheus sa harap ko.

"Bakit Binibining Rin?" tanong niya.

Lumingon lingon ulit ako baka may dumaan na guwardiya at makita kami.

"Nararamdaman mo ba yung presensiya ng mga diwata?" tanong ko sa kaniya at tumango naman siya.

"Eh yung presensiya ni Hazel?"tanong ko sa kaniya at nagtaka naman siya pero tumango pa rin.

"Hanapin mo si Hazel at pumunta kayo agad kung nasaan ang mga diwata." sabi ko naman na ikinagulat ni Morpheus.

"Hindi ka sasama? Saan ka naman pupunta?" tanong niya sakin.

"May...gusto lang akong malaman. Samahan mo na si Hazel. Mag-iingat kayo." sabi ko at agad na umalis doon.

Hindi mawaglit sa isip ko ang nangyari kanina. Mula sa impormasyon na binigay ni Morpheus samin hanggang sa makarating kami rito.

Dahan dahan kong tinitignan ang mga kwarto na nadadaanan ko. Nagbabakasaling makita ko ang amo ko. Wala bang ibang paraan para mahanap ko ang amo ko?

Parang sumasakit na yung ulo ko kakaisip.

Kung siya ang amo sa bahay na 'to...ibig sabihin malaki yung kwarto niya.

Naghanap naman ako na malaking kwarto sa bahay. Hindi ko alam kung gaano kalaki 'tong bahay.

Ang sabi ni Morpheus ay isang maimpluwensiyang tao ang nakatira rito. Sila ang mag-ari ng padamitan sa apat na kaharian pero...sa pagkakasabi ng tinawag na ama ng amo ko ay hindi siya sang-ayon sa pagtatahi kung saan mas kilala sila. At ang sabi naman ni Hazel ay maaaring may sakit sa utak ang lalaki pero bakit kailangan niya hampasin ang anak niya at ang mga taong nakapaligid sa kaniya?

Nahanap ko na yung malaking kwartong hinahanap ko kanina pa.

At normal lang ba na sa loob ng bahay mo pinapatira ang mga naninilbihan sayo?

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa loob. Nakita ko naman yung amo ko na nakahiga at may nakabalot sa ulo niya.

Mukhang hindi maayos ang pakiramdam niya. Pumasok naman ako sa loob at dahan dahan lumapit sa kaniya.

The Other WorldWhere stories live. Discover now