75

36 2 2
                                    

Bumangon ako ng maaga na masakit ang katawan dahil sa trabaho kahapon. Last day na namin ngayon dito at bukas na bukas din ay aalis na kami.

Um-okay na rin naman ang lagay ng bayan. Hindi man bumalik agad sa normal pero makikita mo ang magandang pagbabago.

Bumaba na ako para kumain sana pero pagbaba ko may naglalandian sa gilid, may nagk-kwentuhan, may kumakain na ng pagkain kahit hindi pa luto lahat, mayroon naman na inaantok pa at gusto bumalik sa pagkakatulog, mayroon naman na nageensayo gamit ang espada...hayss.

Bumaba na lang ako at agad naman ako nginitian ni Prinsesa Ysabelle habang kumakain.

"Magandang umaga, Binibining Rin." nakangiti nitong bati at bumati lang din ako pabalik.

Asaan pala si Morpheus?

Nilibot ko ang mata ko pero wala akong nakitang Morpheus. Hindi rin niya ako ginising at hindi niya sinaway 'tong mga 'to. Saang lupalop na naman kaya nagpunta 'yon? Lagyan ko kaya siya ng tali para hindi naglalakwatsa 'yon. Hindi man lang nagpaalam kung saan pupunta.

Nang matapos kami kumain lahat ay bumalik kami ulit sa pagtulong sa mga mamamayan. Koonti na lamang ang kailangan namin gawin at tapos na kami.

*Boomshh*

Sa kalagitnaan ng ginagawa namin ay nakarinig kami ng malakas na pagsabog mula sa palasyo kaya tumingin kami roon. Nanlalaki ang mata namin tumingin sa mga nilalang na tumatakbo sa iba't ibang dereksyon. Hindi ko makita masyado kung anong nilalang iyon pero panigurado akong iba ang ulo nila. Hindi ulo ng tao 'yon. Malalaki rin ang katawan ng mga ito.

"Ang mga tikbalang?! Paanong..." sambit ni Niwe.

"Tikbalang?!" sabay sabay na sigaw namin.

Wait, tikbalang?! As in tikbalang?!

Bigla naman sumakay ng kabayo si Prinsesa Ysabelle.

"Jasper sumunod ka sakin! Mga prinsipe iiwan ko sa inyo ang mga iba na tumakbo sa ibang dereksyon. Aming saasalubungin ang mga papunta rito. Mga binibini! Manatili kayo rito at siguraduhin niyong ligtas ang mga tao. Hindi kakayanin ng mga mahika ng tao ang kapangyarihan ng tikbalang." utos samin ni Prinsesa Ysabelle at tumango naman kami.

Tulad ng utos ng Prinsesa agad naghiwalay ang mga prinsipe at pinabalik namin sa loob ng bahay ang lahat ng tao. Ikinalat din namin ang mga knights upang magbantay kung sakaling may makalusot sa Prinsesa.

Andaming tanong ang nabuo sa isip ko ngunit pinansawalang bahala ko na lang muna. Mas importante ang kaligtasan ng lahat.

"Mga binibini, kami na po ang bahala rito. Tulungan niyo rin po ang mga Prinsipe at ang Mahal na Prinsesa." sabi ng isang knights.

Nagkatinginan kaming anim.

"Sigurado ba kayo na kaya niyo?" tanong ni Hazel at tumango ang knights.

"Mas kailangan ng mga Prinsipe at Prinsesa ang tulong niyo. Maaaring may mga tao rin na nadamay sa pakikipaglaban ng mga Prinsipe at Prinsesa." nakarinig kami ng pagsabog sa iba't ibang dereksyon. May lumilipad din ng kung ano-anong bagay.

"Maiiwan na lamang ako rito." sabi ni Aylene

"Kung gano'n aking pupuntahan ang dereksyon ni Prinsipe Kevin." sabi naman ni Binibining Mohika.

"Pupunta ako sa Mahal na Prinsesa." sabi ko naman. Mas malapit 'yon dito kaysa sa mga prinsipe.

"Kami ni Rei ay kay Prinsipe Aizen." sabi naman ni Hazel.

The Other WorldWhere stories live. Discover now