76

34 2 0
                                    

Bumalik kami sa bahay tulad nang sinabi ni Morpheus pero hindi namin kasama sila Jasper. Pinapunta ni Morpheus ang dalawa  kung nasaan si Akira dahil palala nang palala ang nangyayari. Nagsisimula na gumalaw yung ipo-ipo ni Akira.

Iniwan kami ni Morpheus dito sa bahay at sumama naman si Niwe kay Morpheus. Hindi dapat siya isasama ni Morpheus ngunit nagpumilit ito at sinabing kaya niyang tulungan si Hazel. Dahil sa badtrip ay sinama na siya ni Morpheus.

"Binibining Rin, gusto mo ba ng makakain?" biglang tanong ni Arnel at umiling ako.

Nakaupo ako ngayon sa bintana at tumingin sa labas. Ginagamot ng healer ng bayan ang mga sugatan na kakadating lang. Gusto ko man sila tulungan pero natatakot ako na baka maulit yung nangyari kanina.

Dapat ay tinutulungan namin sila makabangon ngayon sa nangyari sa bayan pero parang mas pinalala lang namin ang nararanasan nila.

"Matulog ka kaya muna, Binibining Rin." umiling lang ulit ako sa sinabi ni Arnel.

Paano ako makakatulog? Ni hindi ko alam kung magiging maayos ba ang lagay ng tatlo.

Gusto man magpahinga ng katawan ko dahil siguro sa pagod dahil nasobrahan ako sa paggamit ng magic ay ayoko matulog hangga't hindi ko nakikita sila Hazel. Nararamdaman ko na rin na bumibigat ang katawan ko at nakirot ang iba't-ibang parte ng katawan ko pero tinitiis ko lamang iyon.

Hindi ko namalayan na ipinikit ko na ang mata ko at natulog paggising ko ay nasa higaan na ako. Agad ako napabangon at nilibot ang paningin ko. Kumirot ang buong katawan ko sa sakit dahil sa biglaang paggalaw.

Tumakbo ako malapit sa bintana at tinignan ang nangyayari sa labas. Ang langit ay maaliwalas at hindi ko makita ang alon ng apoy at tubig na nagsasalpukan at ang ipo-ipo na gagalaw na kaya tumakbo ako pababa kahit pa nakapantulog ako.

Nakita ko sila Hazel na nakasalampak sa sofa na parang pagod.

Napansin nila ako at tumingin sila sakin pero mukhang hindi sila masaya na makita ako.

"Rin...Bakit bumaba ka?" agad na bungad sakin ni Akira.

"Huh? Bakit bawal ba ako bumaba? Nakatulog ako kaya hindi ko namalayan ang pagdating niyo. Bumaba agad ako para tignan yung lagay niyo tapos ganiyan bungad mo sa'kin?" naka pameywang kong sabi kay Akira.

"Binibining Rin mabuti naman at gising ka na. Bakit hindi na kayo magsimula mga Binibini? Gising na ang inaantay niyo." lumingon ako kay Morpheus dahil sa pagtataka sa sinabi niya.

"Huh? Anong sisimulan?" taka ako tumingin sa tatlong nasa sofa at kay Morpheus.

"Ang huling paraan. Bago tayo umalis sa bayan na ito ay dapat nagawa niyo na iyon."

"Aalis na tayo? Paano ang nangyari sa bayan na 'to? Hindi ba dapat tulungan muna natin sila kahit papaano?"

"Ang pagtulong sa mga mamamayan ay trabaho ng Reyna at Hari. Kailangan natin ituon ang atensyon natin sa kailangan natin gawin. Habang tumatagal tayo rito sa bayan ay may mga tao na naga-antay sa atin." hindi ako naka imik sa sinabi ni Morpheus dahil alam kong totoo naman 'yon.

Napatingin ako ulit kay Morpheus at taka rin itong tumingin sa'kin.

May bigla akong naalala.

"Saan galing yung mga tikbalang? Bakit sila nasa palasyo?" napansin kong napatigil si Morpheus sa tanong ko.

"Ang mga tikbalang ay nanggaling sa gubat na pinuntahan natin. Sila ang dahilan kung bakit hindi natin marating ang bayan nila Ginoong Niwe. Sila ay aking hinuli at ipinasa kay Reyna Vanice upang ikulong." paliwanag ni Morpheus.

The Other WorldWhere stories live. Discover now