69

29 4 0
                                    

REI P.O.V

Dinilat ko ang mata ko at bumungad agad sa'kin ang dilim. Agad ako napaupo at tumingin sa paligid pero dilim lang ang nakikita ko. Agad naman bumilis ang tibok ng puso ko dahil hindi ko makita sila Hazel, Rin at Akira sa paligid.

Maya maya ay biglang nagbago ang paligid ko na ikinapagtaka ko. Asa loob ako ng hindi kalakihan na bahay. Pamilyar sa akin ang bahay. Doon ay may nakita akong isang bata na may hawak na manika at tahimik na nanonood sa tv. Tumayo naman ako at tinignan ang bata. Agad ko napansin ang light brown na mata nito na tutok na tutok sa pinapanood niya sa tv.

"Reina!" agad akong nanigas nang may tumawag sa'kin. Lumingon ang bata at tinignan ko rin kung sino ang tumawag sa akin. Agad naman nanlaki ang mata ko ng makita ko sila mama at papa na nakangiti sa batang nakatingin sa kanila.

"Mama! Papa!" tumayo ang bata at nabitawan niya ang manika niya at naglakad palapit sa dalawang kamay na nag-aantay sa yakap niya. Agad siyang lumapit sa mama niya at yumakap dito. Kinarga naman siya ng mama niya.

"May pasalubong si mama at papa sa'yo. Charan~" inangat ni papa ang dunkin donut na box na hawak niya. Agad naman nanlaki ang mata ng bata sa tuwa ng makita 'yon. Pumunta ang tatlo sa lamesa para kumain ng bitbit nilang pasalubong. Tuwang tuwa naman kumain ang bata.

Nakatingin lang ako sa kanila habang nag bo-bonding sila. Bakit nakikita ko 'to ngayon?

Bigla naman nalusaw ang nasa paligid ko na ikinagulat ko kaya napa atras ako. Ang scene ay nasa school naman ako ng kindergarten. Nakita ko ang batang ako na nakangiti sa harap habang nagpapakila.

"My name is Reina Santiago! 6 yrs old! Nice to meet you all!" masigla at nakangiting pakilala ng batang ako. Bigla naman ako nahiya sa nakikita ko at napayuko na lang.

Pinaupo siya ng teacher niya ulit sa upuan niya. Pinuri ng teacher ang magandang mata at mukha ko at gano'n din ang mga katabi ko. Nginitian ko lang sila at nagpasalamat. And nang mag lunch time na ang daming bata ang nakapaligid at masayang nakikipag kwentuhan sa'kin at masaya rin ako nakikipag-usap sa kanila.

Pinanood ko lang ang sarili ko na masayang nakikinig sa guro at nakikipagkulitan sa mga ibang bata. At bigla naman nagbago ulit ang paligid ko. Asa hallway naman ako ngayon at nakita ko ang sarili kong naglalakad papasok sa classroom nila. Sa tingin ko ay 13 yrs old ako at Grade 7/ first year high school.

Binati naman agad ako ng mga kaklase ko pagkapasok ko at bumati rin ako pabalik. Ang upuan ko ay nasa tabi ng bintana. Pagkaupo ko ay agad ako nakipag kwentuhan sa katabi ko at dahil nasa tabi ako ng bintana at maaraw. Tuwing tumatama ang araw sa mata ko ay mas lalong gumaganda ang light brown eyes ko na akala mo ay mata ng lion.

Sa kalagitnaan ng pagk-kwentuhan namin ay biglang lumapit ang babaeng class pres sa'kin at may inabot na pink envelope. Taka ko naman tinignan 'yon at kinuha mula sa kamay ng president namin.

"Kanino galing 'to?" tanong ko pero walang pangalan ang nakalagay at To:Reina lang ang nakalagay.

Nagkibit balikat ang class pres namin at sinabing may nagpa-abot lang din sa kaniya. Kinulit ako ng class pres at ng katabi ko na buksan ang envelope. Binuksan ko 'yon at may sulat akong nakita. Binuklat ko 'yon at binasa. Agad naman ako namula sa nabasa ko at tumili ang dalawang nakibasa rin sa'kin.

"Kyaaah~ sana ako na lang ikaw, yieeee!" kinikilig na sabi ng katabi ko at mas lalong namula ang mukha ko.

First time ko lang makatanggap ng love letter. Buong klase ay occupied ang isip ko sa love letter na 'yon. At kinabukasan ulit ay may nag-abot ng love letter hanggang sa mga susunod na araw. Napapangiti ako lalo tuwing natatanggap ko ang love letter na 'yon. Hanggang sa nagpasyahan na ng nagbibigay ng love letter na magpakilala sa harap ng school pagtapos ng klase. At excited ako dahil doon at inantay tumunog ang bell. Nang uwian na ay pumunta agad ako sa harap ng school at sa daming tao roon ay hindi ko alam kung sino ang nagbibigay ng letter.

The Other WorldTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang