86

30 5 0
                                    

Nanlalaki ang matang nakatingin si Hazel at Reina sa dalawang babae. Si Akira ay nakahandusay sa lupa at si Rin naman ay nakaupo sa kaniya.

"*cough* buti na lang nakabitaw agad ako. *cough* kung hindi ako ngayon ang nasa posisyon mo." sabi ni Rin at unti-unting tumayo. Pinagpagpagan niya ang sarili niya at napatingin sa paligid.

Napapalibutan ng dugo at iba't-ibang parte ng katawan ng Demdra ang paligid nila ni Akira. Tumingala siya at agad niya nakita ang pulang usok sa kalangitan.

"Usok pala 'yon, akala ko barrier." sabi ni Rin at napatingin sa mga tao sa di-kalayuan.

Pinaliit niya ang mata niya dahil hindi niya gaano makita ang mga ito.

"Rin!" agad niya nabosesan ang tumawag sa kaniya.

"Hazel!" agad tumakbo si Rin sa pwesto nila Hazel at masayang yumakap sa kaibigan.

"Mabuti naman at ligtas kayo ni Akira." masaya rin sabi ni Hazel habang nakayakap kay Rin.

"Buti nga nakabalik pa kami ng isang buo." sabi ni Rin sa ma dramang boses.

Unti-unti rin tumayo si Akira. Ramdam na ramdam niya ang sakit ng katawan niya dahil sa pagbagsak at pagdagan ni Rin sa kaniya.

Napansin niya ang Demdra sa gilid.

"Sino ka?" tanong nito at naghanda makipaglaban.

Nginitian siya nito bago sumagot.

[Nagagalak akong makita ang dalawang Binibini.] kinilabutan agad si Akira sa boses at ngiti nito.

"Sagutin mo ang tanong ko." seryosong sabi ni Akira at unti-unting ginagawa ang espada niya.

[Gusto ko man labanan kayo Binibini ngunit tapos na ang kasama ko sa gawain niya.]

'Kasama? May kasama siyang iba? Nasaan?'

Bigla naman nakaramdam ng vibration si Akira sa ilalim ng lupang tinatapakan niya.

*Kududududu*

Halos lahat ng tao roon ay nagulat sa naririnig at nararamdaman nila sa ilalim ng lupa. Sabay-sabay silang tumingin sa Demdra at ngumiti ito sa kanila.

[Sana ay masiyahan kayo sa ginawa ng aking kasama. Paalam.]

Pagkasabi niya no'n ay may butas ang sumulpot sa paanan ng bawat isa. Napabitaw si Hazel kay Rin.

"Ikaw!" inis na tinignan ni Akira ang Demdrang nakangiti sa kaniya bago mahulog sa butas.

"AAAAAAHHHHHHHH!" tili ng lahat nang mahulog sila sa butas.

May isang Demdra naman ang sumulpot sa tabi ng isa pang Demdra.

[Mukhang natagalan ka ngayon sa iyong gawain.] agad yumuko ang bagong dating.

[Ipagpaumanhin niyo, ako ay hindi pa sanay sa bagong kapangyarihan na bigay ng Mahal na Reyna.]

[Naiintindihan ko.]

RIN P.O.V

Lumusot ako bigla sa butas pagkabitaw ko kay Hazel at ngayon ay nag s-slide ako pababa.

Saan na naman ba ako pupunta? Kakadating ko lang aalis na naman ako?

Hindi ko makita ang dinadaanan ko dahil sa dilim at ang size ng butas ay halos kasing laki ko lang.

"Argh." daing ko nang bumagsak na ako sa lupa.

Ang bato ng dinaanan ko, ang sakit sa puwetan at likod.

Dahan dahan akong bumangon habang nadaing sa sakit. Ginamit ko ang healing magic ko para maibsan ang sakit.

Kakadating ko lang at dinala na namin ako sa ibang lugar? Kahit pagpahingahin niyo muna ako ng 20 mins.

The Other WorldWhere stories live. Discover now