1

391 17 0
                                    

RIN P.O.V

Nakangiti pa din saakin ang babaeng nakaupo lang kani kanina.

"Sino po kayo? Asaan po ako?" tanong ko sa kanya.

Mas lalong napangiti ang babae.

"Hindi ko inaasahan ang pagdating mo." saad nito.

"Po??"

"Ikinalulugod ko ang pagdating mo sa shisakilzen." nakangiti niyang sabi sakin.

"Shisakilzen?"

May ganon bang lugar?

"Mahal na reyna? Asan po kayo?" may narinig kaming sumisigaw.

Reyna?

Tinignan ko ang babaeng nasa harap ko na ngayon ay lumilingon lingon para hanapin ang sumisigaw.

"Andito ako!" sigaw niya.

Ehh?

"Reyna?" napatingin siya sakin.

"Ipapaliwanag ko ang lahat mamaya." nakangiti niyang sabi.

"Kanina pa namin kayo hinahanap, mahal na reyna. Sino po iyang kasama mo?" saad ng lalaki.

"Ang susunod na reyna." nakangiting sagot ng reyna.

"HUH?! Sino? ako?" sigaw kong tanong.

Nakangiti pa rin ang reyna na tumango. Tumingin siya sa lalaki "Mauna ka nang bumalik susunod kami. Sabihin mo sa hari na nandito ang bagong reyna."

"Masusunod, mahal na reyna." at umalis na ang lalaki.

Tumingin siya sa aso niya. Ngayon ko lang napansin yung aso.

"Chiko." pagkasabi niya non naging tao ang aso.

"EHH?!" gulat kong sigaw.

"Ano ang maipapaglilingkod ko?" nagsasalita yung aso!

"Dumating na rin ba ang ibang reyna?" tanong ng reyna sa taong aso.

Ibang reyna?

"Opo, dumating na din po sila."

"Chiko." pagkasabi ng reyna ay naging malaking aso ito.

Kung kanina ay maamo ang mukha ng aso nung maliit pa, ang cute naman nito kapag naging malaki.

Mas matangkad pa sakin ang aso.

Sumakay yung reyna. Wait...lumipad siya paakyat sa aso!!

"Ano pa ang hinihintay mo? Halika na." inilahad niya ang kamay niya at inabot ko ang kamay ko.

Nalutang ako sa ere...

Nakasakay na ako sa malaking aso niya.

"Kumapit ka ng maigi."

"Saan po ako kakapit?"

Kinuha niya ang parehong braso ko at pinulupot iyon sa bewang niya.

"Ready?" tumango lang ako kahit wala akong maintindihan.

Bigla na lamang tumakbo ang aso.

"KYAAAAAAAAA!!!!!" napatili ako sa bilis ng takbo ng aso.

Pinikit ko parehong mata ko dahil ang bilis ng takbo ng aso.

Maya maya din ay naramdaman kong huminto ito kaya dinilat ko ang mata ko.

The Other WorldWhere stories live. Discover now