37

59 5 0
                                    

RIN P.O.V

Sinamahan kami ng lalaking naghanap sakin kanina papunta sa principal nila.

Bakit naman bigla kaming pinatawag? Tahimik naman si Akira, wala pa nga siyang inaaway, eh. Hindi din siya nangulit, bakit pinatawag kami?

Huminto kami sa isang pinto. Kumatok muna yung lalaki bago niya buksan ang pinto.

Sabay sabay kaming yumuko pagpasok namin. Nagpaalam na yung lalaki na aalis na siya.

"Magandang araw mga Binibini." sabi ng principal at yumuko samin.

Babae yung principal ng akademya.

"Magandang araw din po." bati namin pabalik.

Pinaupo niya kami sa sofa na nasa tapat ng gilid ng table niya. Umupo kaming apat doon at umupo naman siya ulit sa upuan niya.

"Natanggap ko ang sulat galing sa inyong guro." panimula niya.

Ahhh, kaya pala kami pinatawag. Akala ko naman may kasalanan agad kaming apat.

"Kayo ay wala pang libro, tama ba?" tanong niya sa'min at tumango naman kami.

"Kayo ay aming bibigyan ng librong kailangan niyo. Komportable ba kayo sa klase niyo?" pagtatanong niya at tumango kami ulit.

"Mabuti naman, hindi naman kayo nahirapan pumunta ng klase niyo?" pagtatanong niya at umiling kami.

Bigla naman tinaas ni Hazel ang kamay niya.

"May kailangan ka ba, Binibini?" tanong niya kay Hazel.

"Maaari ba akong humingi ng mapa ng akademya na 'to?" tanong ni Hazel.

"Ihahanda ko agad ang kailangan niyo, Binibini. Iyon lang ba ang kailangan niyo?" agad na sagot niya.

"Gusto namin pumasok sa akademya na 'to na walamg problema at walang nakakakilala sa'min.Siguro naman po nakuha niyo ang ibig kong sabihin." sabi naman ni Hazel at tumango ang principal.

"Makakaasa kayong walang makakakilala sa inyo." sabi naman ng principal.

"Maaari na po kaming bumalik sa silid aralan namin?" tanong naman ni Hazel at agad na tumango ang principal.

Tumayo kaming apat at tumayo din ang principal.

"Ipapadala ko na lamang ang inyong libro at mapa ng akademya sa palasyo." sabi niya at umiling naman si Hazel.

"Kukunin na lamang namin pagtapos ng klase namin ngayon." sabi ni Hazel.

"Kung 'yon ang gusto niyo, ihahanda ko na ang inyong kailangan." sabi ng principal.

Nagpaalam na kaming apat at lumabas na ng opisina niya.

Napahinga naman kami ng maluwag pagkalabas namin.

"Paano pala tayo makakabalik sa silid aralan?"tanong naman ni Akira.

"Nasaulo ko yung daan, tara na." sabi ni Hazel at una ng naglakad. Sumunod naman agad kami sa kaniya.

Nakarating na kami sa classroom namin. Umupo kami sa pwesto namin kanina. Ngayon ko lang napansin na kaming apat lang pala walang gamit.

Dahil in-announce ng teacher namin kanina na wala kaming klase ay wala kaming ginagawa ngayon apat.

"May klase pa ba tayo pagtapos nito?*yawn*" inaantok na tanong ni Akira.

"Kasaysayan ng apat na kaharian." sagot naman ni Hazel sa tanong ni Akira.

The Other WorldWhere stories live. Discover now