114

30 7 1
                                    

Tahimik akong kumakain habang nakatitig kay Hazel na nakangiti habang kumakain. Sa tabi niya ay si Nacy na nakangiti rin kumakain.

Ano naman kaya ang pinunta niya rito? May kailangan ba siya sakin? Kailangan ba niya ng tulong ko sa kung ano man ang ginagawa niya ngayon?

Nang matapos kami kumain ay hinatid ko muna si Nacy sa bahay ni Prinsesa Ysabelle para makipaglaro kay Aurora. Naiwan naman si Hazel sa opisina ko.

"Nacy, huwag kang masyadong makulit sa bahay ni Prinsesa Ysabelle, hm?" paalala ko sa kaniya habang naka squat ako. Nakangiti naman siyang tumango tango sakin.

"Mauuna na ako." sabi ko at dumeretso ng tayo.

"Paalam, Mama!" masigla naman paalam ni Nacy at kumaway ako sa kaniya bago tumalikod at naglakad palayo.

Dumeretso agad ako sa opisina ko at agad ko nakita si Hazel pagkabukas ko ng pinto. Naka upo ito sa upuan ko habang binabasa ang papel na nasa kamay niya. Napadako ang tingin nito sakin nang maramdaman nito ang presensiya ko sa loob ng kwarto.

"Ang bilis mo naman maihatid si Nacy." sabi nito at tumayo sa upuan ko at ako naman ang umupo habang tinitignan ko siya.

"Guni-guni mo lang 'yon. Malayo ang bahay ni Prinsesa Ysabelle kaya imposibleng makarating ako agad doon ng ilang minuto lang." sabi ko naman at sumandal sa upuan ko at umupo naman si Hazel sa isa sa mga sofa at nakangiting nakipagtitigan sakin.

Bumuntong hininga naman ako bago magsalita.

"May kailangan ka ba at naparito ka?" tanong ko sa kaniya at bahagya siyang natawa sa tanong ko.

"Masama bang dalawin ko ang aking kaibigan?"

"So, anong paraan ang nahanap mo?" pagtatanong ko ulit at hindi pinansin ang sinabi niya kaya napatawa ulit ito.

"Paano mo nalaman na nakahanap na ako ng paraan?" nakangiti nitong tanong.

"So, ano ang maitutulong ko sa'yo, kaibigan?" tanong ko at hindi ko ulit pinansin ang sinabi nito.

Sumandal ito sa sofa at nawala ang ngiti nito sa labi. Naging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya.

"Ang paraan na nahanap ko ay hindi pa kumpleto dahil sa isang problema." panimula nito at nagtaka naman ako sa sinabi niya.

Ano naman kaya 'yon at kailangan niyang pumunta rito?

Bumuntong hininga ito bago magsalita.

"Kailangan ko ng dugo ng bata." sabi nito at napatigil ako saglit at prinoseso ko ang sinabi niya.

Dugo nino?

Mukhang napansin niya ang ekspresyon ng mukha ko kaya nagsalita agad ito at pinaliwanag ang ibig niyang sabihin.

"Kailangan ko ang dugo ng bata na sinasabi na anak siya ni Leizyl ngunit nasa sinapupunan pa ito ng babae kaya imposibleng gawin natin ang paraan na ginawa ko."paliwanag nito.

Mas lalo akong nagtaka at naguluhan sa paliwanag niya.

"Anong paraan ba ang nahanap mo at kailangan mo ng dugo?" taka kong tanong.

May bigla siyang nilabasan na maliit na bote at sa loob ng bote ay may asul na tubig.

"Kailangan mo lamang ng isang baldeng tubi at ipapatak mo lamang ito. Kapag na dissolve ito sa tubig ay sunod mong ipapatak ay ang dugo ni Leizyl at sa sinasabi nilang anak nito. Kapag nagsama ang dalawang patak ng dugo ay ibig sabihin ay anak ito ni Leizyl ngunit kung nanatili na magkahiwalay ang dalawang patak ng dugo ng ilang minuto ay hindi niya ito anak." paliwanag ni Hazel at agad naman ako namangha.

The Other WorldWhere stories live. Discover now