35

45 5 0
                                    

RIN P.O.V

Andito kami ngayon sa labas ng bahay. Nakaupo lang kami sa damuhan at nakatayo naman si Ginoong Deseo sa harap namin.

"Hindi po kami tatakbo?" tanong ko kay Ginoong Deseo.

"Bakit mas gusto niyo tumakbo?" tanong ni Ginoong Deseo at agad kaming umiling.

"Gusto ko lamang makita ang progreso ng mahika niyo ngayon. Kung napabuti o hindi ba ang mahika niyo sa ginawa natin." sabi ni Ginoong Deseo.

"Ipikit niyo ang mata niyo. Padaluyin niyo ng dahan dahan ang magic current niyo." sabi ni Ginoong Deseo.

Ginawa naman namin apat ang sinabi niya. Pinikit namin ang mata namin at pinadaloy ng dahan dahan ang magic current namin.

"Ngayon ay onti-onti niyong pabilisan ang pagdaloy." sabi ni Ginoong Deseo at ginawa naman namin.

"Ngayon ay pabilisin niyo ng husto ang pagdaloy."sabi ni Ginoong Deseo at pinabilis ko nga ang pagdaloy.

Pero hindi ko na makontrol yung pagdaloy. Parang may sasabog sa loob ng katawan ko kaya napadilat ako ng mata ko. Napansin kong hinihingal ako. Tinignan ko ang tatlo at hinihingal din sila.

"Hmm, mukhang masyado ko kayong minamadali. Akala ko ay tatagal kayo kahit papaano dahil nakakagamit na kayo ng mahika. Umayos kayo ng upo at ipikit ulit ang mata niyo." sabi ni Ginoong Deseo.

Sumunod kamong apat at pinikit ang mata namin.

"Padaluyin niyo ng dahan dahan ang magic current niyo." sabi niya at ginawa naman namin.

"Idilat niyo ulit yung mata niyo." sabi ni Ginoong Deseo at dinilat ko ang mata ko.

"Padaluyin niyo lamang ang magic current ng dahan dahan." sabi niya.

"Komportable na ba kayo sa pagdaloy ng magic current niyo?" tanong niya at tumango naman kaming apat.

"Alam kong nasabi na sa inyo kahapon. Kailangan niyong lumakas upang lumakas din ang mga soul familiar niyo." saad ni Ginoong Deseo.

Tinignan naman niya ako.

"Tumayo ka Binibining Rin at gamitin mo ang mahika mo."sabi ni Ginoong Deseo. Nagulat naman ako dahil don.

Dahan dahan akong tumayo.

Anong mahika ang ipapakita ko? Dalawa daw mahika ko sabi ni Morpheus, eh.

"Atakihin mo na lamang ako Binibining Rin. At kung sakaling tumama ang atake mo hindi mo kailangan tumakbo bukas." sabi ni Ginoong Deseo. Pakiramdam ko ay pumalakpak yung tenga ko sa sinabi ni Ginoong Deseo.

Kailangan ko lamang siya tamaan 'di ba?

Huminga ako ng malalim at tinignan si Ginoong Deseo.

May malalaking halaman ang sumulpot sa likod ni Ginoong Deseo kaya napatalon palayo sa'min si Ginoong Deseo.

Biglang naging patusok naman ang la-landingan ni Ginoong Deseo kaya nanatili siya sa ere. Inabot naman siya ng mga halaman ko pero iniilagan lamang niya ang mga 'to.

Ini-snap ni Ginoong Deseo ang daliri niya at nawala ang magic ko. Bigla naman akong hiningal ako.

Lumipat ulit sa'min si Ginoong Deseo na nakangiti.

Wala man lang siyang sugat sa ginawa ko.

"Magaling Binibining Rin!" nakangiti niyang sabi at pumalakpak pa. Pumalakpak din yung tatlo.

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon