107

31 4 0
                                    

Bumaba ang tatlong magkakaptid mula sa itaas. Pagkababa nila ay agad ginamit ni Ginoong Deseo ang mahika niya upang ibalik sa dati ang itsura ng nasirang lugar.

Manghang pinanood ng lahat bumalik sa dating itsura ang lugar.

"Maraming salamat, Ginoong Deseo. Akala ko ay matatambakan na naman ako muli ng gawain." pagpapasalamat ni Reyna Gladice at bahagyang yumuko kay Ginoong Deseo para magbigay galang. Natawa naman si Ginoong Deseo sa huling sinabi ni Reyna Gladice.

"Walang anuman, Mahal na Reyna."

Naglakad naman palapit si Hazel kay Reyna Vanice na nakatayo at nililibot lamang ang paningin dahil sa mangha sa mahika ni Ginoong Deseo.

"Reyna Vanice." agad naituon ni Reyna Vanice ang atensyon niya kay Hazel. Hindi lamang si Reyna Vanice ang tumingin sa kaniya pati na rin ang iba na naroon.

"Bakit hinayaan mo makaalis ang mga Demdra?" tanong ni Hazel na may halong galit.

"Wala akong magagawa sa sitwasyon na iyon. Nasira ni Binibining Rei ang White fire na ginawa ko."

"Bakit hindi ka gumawa ulit?"

"Isang beses sa isang araw lamang iyon pwedeng magamit." kalmadong sagot ni Reyna Vanice kahit pa pagalit na ang boses ni Hazel sa kaniya.

"Bakit hindi ka magisip ng ibang paraan?! Iyon lang ba ang naisip mo?!" inis na sigaw nito sa Reyna ngunit kalmado pa rin si Reyna Vanice.

"Mas importante ang sitwasyon ni Binibining Rei kaysa sa mga Demdra."

"No! It's not!" galit na sigaw ni Hazel na ikinagulat ni Akira.

"Hazel! Naririnig mo ba ang sarili mo?!" gulat na tanong ni Akira kay Hazel.

"Shut up! Kung hindi ka nangeelam-kung hindi kayo nangeelam ni Rin edi sana napatay ko sila!" galit na sigaw nito at tumingin sa dalawang kaibigan.

Nanlaki naman ang mata ni Akira at hindi makapaniwala sa narinig niya.

"Ano bang-"

"Hah, ngayon kasalanan ko pa? Kung hindi mo ko hinarangan edi sana napaslang ko na rin sila. Ikaw ang unang pumigil sakin." biglang singit ni Rin sa usapan ni Akira at Hazel. Tinignan siya ni Hazel ng masama.

"Ako ang unang pumigil? Nagka amnesia ka ba bigla? Ikaw ang unang sumugod sa akin, hindi ako."

"O-oi, huwag kayong magsimula dalawa! Kakaayos lang ni Ginoong Deseo-Yah!" hindi pa natatapos ni Akira ang sinasabi niya aya agad nilabas ng dalawa ang aura at soul weapon nito at inatake ang isa't-isa.

Bago pa umabot ang soul weapon nila sa isa't-isa ay agad napigilan iyon ni Morpheus at Ginoong Azrael.

Hinawakan nang mahigpit ni Morpheus ang Golden chain ni Rin at hinawakan rin ni Ginoong Azrael ang bow ni Hazel.

"Naiintindihan ko ang galit niyong dalawa dahil sobrang init dito. Tayo ay magpahinga muna sa palasyo, hmm?" nakangiting yaya ni Ginoong Deseo.

"Ipagpaumanhin mo Ginoong Deseo ngunit kailangan kong tumanggi." sabi ni Hazel habang matalim ang tingin kay Ginoong Azrael at sinusubukan itulak ang bow niya rito ngunit hinawakan lamang iyon ng mahigpit ni Ginoong Azrael.

"Hindi counted opinion niyong dalawa ni Rin." sabi ni Akira.

"Dahil sumangayon ang lahat, halina't umalis!" masiglang sabi ni Ginoong Deseo.

"Hindi kami aalis dito." sabi ni Rin.

"Hindi nga counted opinion niyo."

Tinignan naman ni Ginoong Deseo si Rin at Hazel habang nakangiti.

The Other WorldWhere stories live. Discover now