28

53 3 0
                                    

RIN P.O.V

Pagtapos nila maglipat ng mga gamit ay kumain na kami. Sila lang naglipat hindi na ako tumulong, ayaw din naman nila ako patulungin.

Nang matapos na kami kumain papasok na dapat ako sa bahay ni Labos pero gusto daw ako makausap ni Arnel.

Ano naman kaya ang gusto niyang pagusapan?

Umupo siya sa ilalim ng puno kaya umupo rin ako katabi niya.

Pero ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin siya nagsasalita. Kala ko ba may sasabihin siya?

"Arnel, may problema ba?" tanong ko.

"Binibining Rin, kailan mo balak bumalik sa palasyo?" biglang tanong niya kaya napatigil ako saglit.

"Huh?" 'yan lang ang nasabi ko dahil sa biglaang tanong niya.

"Sa tingin ko ay kailangan mo bumalik sa palasyo." sabi ni Arnel kaya napatayo ako bigla at tinignan siya na may pagka irita. Hindi naman niya ako tinignan at nakayuko lang siya.

"Gusto mo akong bumalik doon?" hindi makapaniwala kong tanong kay Arnel. Gusto na naman umiyak ng mata ko.

Hindi ko aakalain na itatanong niya 'to.

"Binibining Rin, kailangan ka sa palasyo." sabi ni Arnel at tinignan ako sa mata.

"Satingin mo ba mapupunta ako dito kung kailangan ako sa palasyo?" tanong ko ulit kay Arnel at medyo tumataas na ang boses ko.

Hindi ko na naman makontrol yung emosyon ko. Tumayo din si Arnel at tinignan pa rin ako sa mata.

"Nagpunta ang mga kaibigan mo para sunduin ka nila dahil kailangan ka sa palasyo, Binibining Rin. Dahil ikaw lamang ang solusyon kung ano man ang nangyayari sa palasyo. " sabi naman ni Arnel at akmang hahawakan ako nang hinampas ko yung kamay niya.

"Hindi ibig sabihin sasama na ako sa kanila! Hindi pa pwedeng magdesisyon man lang ako para sa buhay ko?! Pwede ba na yung gusto ko muna masunod?! Intindihin niyo naman yung nararamdaman ko!" sigaw ko kay Arnel.

"Sinabi ko na sayo 'di ba?! Yung ginawa nila sa'kin sa palasyo bago pa ako mapunta dito! Tapos gusto mo pa rin ako bumalik doon?! Hindi mo ba naisip na masasaktan ako kung sakaling makita ko man sila?! Na masasaktan ako kapag bumalik ako sa palasyo?! Naisip mo ba 'yon, Arnel? Kasi akala ko naisip at naintindihan mo yung nararamdaman ko, mali ba yung akala ko?" sigaw ko kay Arnel at may tumulo na luha sa mata ko.

Napalunok naman si Arnel at akmang hahawakan ulit ang balikat ko ng umatras ako.

"Binibining Rin, ikaw lang ang pwedeng maging reyna. Ano naman kung ayaw sayo ng prinsipe? Ibibigay mo na lang ba ng basta basta ang trono dahil lang sa ayaw sa'yo ng prinsipe? Kung ayaw sa'yo ng prinsipe ay kawalan na ng prinsipe kung hindi ka niya pinili.

Hindi mo kailangan ng hari para mamuno ng kaharian, Binibining Rin. Dahil ang Binibining Rin na kilala ko ay isang malakas at matigas na ulo na babae. Ang trabaho ng reyna ng kaharian ay protektahan ang mga tao sa kaharian at ikaw lamang ang makakagawa ng bagay na 'yon. Kaya mo silang prtektahan katulad nang pagprotekta mo samin na walang hari. Naniniwala ako na kaya mong gawin mag-isa 'yon, Binibining Rin.

Hindi lang ako naniniwala, pati ang mga kaibigan mo ay naniniwala sa'yo." nakangiting sabi ni Arnel at tinignan ko lang siya habang naiyak.

Bakit? Bakit kaya mong sabihin ang mga bagay na 'yan pagtapos ng mga sinabi ko sa'yo?

Tinakpan ko ang mukha ko dahil ayaw matigil ng pag-iyak ko. Naramdaman ko naman na niyakap niya ako.

Bakit? Bakit kaya mo akong pakalmahin? Sa ngiti at sa mga sinabi mo lamang ay kumalma na agad ako? Bakit?

The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon