20

56 3 0
                                    

Pagtapos ako iwan ng lahat sa silid na 'yon ay biglang dumating si Chiko. Pinapunta daw siya ni Reyna Gladice para sunduin ako at ihatid sa kwarto ko. Kaya nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakahilata. Shaka na daw nila ako kakausapin kapag okay na ang lahat.

I feel...lonely. Kahapon andami kong kasama pero ngayon ako lang nandito.

Napabangon ako bigla sa higaan ko dahil naalala ko yung mga diary. Kunin ko kaya sa dating kwarto namin ni Akira? Basahin ko na lang 'yon kaysa nakatulala ako dito. Pero hindi ko alam daan papunta doon.

Tumayo ako at lumabas na ng kwarto ko. Dumaan ako sa natatandaan kong dinaanan namin ni Chiko pero naligaw pa rin ako. May nakita akong mga katulong na naglalakad palapit. Nang makita nila ako ay agad silang tumalikod at naglakad palayo. Eh? Bakit?

Nabagsak ko naman pareho kong balikat. Bakit kaya nila ako iniwasan? Dahil sa curious ay palihim ko silang sinundan. Hindi ko alam kung tama ba ginagawa ko pero sinundan ko pa rin sila. Masama kutob ko sa pagsunod sa kanila pero...

Huminto sila sa isang pinto at tumayo lang don na para bang nagdadalawang isip sila kung papasok ba. Nagtago naman ako sa pader at tinignan lang sila.

Maya maya din ay nakita ko si Ron na tumatakbo palapit sa pinto na 'yon at halatang nag-aalala. Hm, bakit kaya? Siguro nasa loob si Aylene. Kwarto ba 'yon ni Aylene? Hindi, hindi kwarto ni Aylene 'yon. Kwarto 'yon ni Ron. Dahil napansin ko na may simbolo yung pinto at yung mga pinto lang ng hari, reyna, Ron at akin lang ang mayroon non. Naramdaman kong sumikip yung dibdib ko kaya agad akong umalis doon.

Hanapin na lang natin yung kwarto namin ni Akira dati at kunin yung mga diary. Kung anu-anong pinto na lang ang binuksan ko. Nagsosorry naman agad ako kapag mayroong tao sa loob.

At pagkatapos ng mahabang oras na paghahanap ko nahanap ko rin. Sinarado ko ang pinto at pumunta kung saan nakalagay ang mga diary. Andito pa pala yung diary ng Miaguazu. Inayos ko 'yon, ihahatid ko na lang 'to bukas. Kumuha ako sa isa sa mga diary ng Shisakilzen at binasa 'yon.

Kailangan kong gawin ng tama ang pagiging reyna. Mukhang ipagpapabukas pa nila yung mga kailangan kong gawin ngayon. Kaya babasahin ko na lang ang mga diary ng dating reyna para kahit papaano ay magkaroon ako ng idea kung ano ba ang dapat kong gawin bilang isang reyna. May koonting idea naman na ako dahil nabasa ko yung ibang diary dati.

Sinimulan ko na magbasa. Medyo magandang diary ang nakuha ko dahil ine-explain dito kung papaano kontrolin yung kwintas. Binasa ko 'yon at sinigurado kong naiintindihan ko 'yon ng tama. May nabanggit din sa diary na 'to na maaari kang humiling ng kapangyarihan na gusto mo sa kwintas. Sinabi din doon paano hilingin 'yon.

Ilang page na lang ay matatapos ko na yung diary pero biglang may kumatok sa pinto at bumukas 'yon. Tinignan ko naman kung sino yung nagbukas.

"Binibining Rin? Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." sabi ni Chiko. Tumingin naman ako sa bintana at gabi na pala.

"Kakain na ba?" tanong ko kay Chiko at niligpit na 'yung diary. Tumango naman si Chiko sa tanong ko.

Lumabas na ako ng kwarto at naglakad na kami.

"Andoon na ba sila Reyna Gladice?" tanong ko at umiling naman si Chiko kaya nagtaka ako.

"Bakit?" tanong ko naman ulit.

"Nauna na sila kumain. Sinundo kita sa kwarto mo pero wala ka doon."sabi ni Chiko. Ahh, kaya pala.

"Kamusta pala si Aylene?" pagtatanong ko. Bigla akong tinignan ni Chiko ng seryoso. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa tingin niya.

The Other WorldWhere stories live. Discover now