13

50 2 0
                                    

Pumasok kami sa isang kwarto. Kwarto ata 'to ni Akira dito sa palasyo. Masyadong magara katulad sa kwarto ko sa shisakilzen. Nilapag ako ni Chiko sa higaan at nilapag din ni Raven si Akira katabi ko. May pumasok naman na mga katulong sa loob. Lumapit sila Reyna Ann, Chiko at Raven sa pinto.

"Ayusan niyo ang dalawang Binibini, kami ay babalik mamaya." utos ni Reyna Ann sa mga katulong. Sabay sabay silang yumuko at sumagot.

"Masusunod, Mahal na Reyna" tinignan kami ng masama ni Reyna at Chiko bago tuluyang lumabas.

Lumapit ang mga katulong sa amin. Ang iba ay tinatanggal ang tali namin sa buhok at sinusuklayan ito. Ang iba naman ay pinupunasan ang pawjs sa mukha namin at nilalagyan na puting powder, pulbo ata 'to. Pinunasan din nila ang madumi naming paa at nilinisan ang takong namin ni Akira. Maya maya ay natapos din sila binigyan nila kami ng salamin at tinignan ko naman ang itsura ko.

Iba na yung tali ko ngayon naka half ponytail na siya. Sinuklayan ko ang buhok ko gamit kamay ko at napakalambot nito.

"Maraming Salamat." nakangiti kong pagpapasalamat yumuko lang sila at lumabas na ng kwarto. Pumasok naman sila Reyna Ann, Chiko at Raven sa kwarto. Tinanggal ulit ni Akira ang sapatos niya at humiga ng maayos sa higaan niya.

"Akira, alam mo naman na mahina stamina mo pero tinakbo mo pa talaga buong palasyo,ha." sermon ni Reyna Ann at sumimangot lang si Akira.

"Hindi mo ba ako na-miss, Reyna Ann?" nakasimangot na tanong ni Akira.

"Hindi."diretsang sagot ni Reyna Ann.

"Maaari ko na ba malaman kung ano ang nangyari?" pagtatanong ni Chiko. Nainggit ako kay Akira na nakahiga ngayon kaya tinanggal ko din yung sapatos ko at tumabi sa kanya. Ngayon na nahiga ko yung likod ko parang mas lalong sumakit ata yung likod ko.

"Nakasalubong kasi ni Akira si Binibining Donica." panimula ni Reyna Ann.

"Binibining Donica? Mula sa pamilyang Donica?"tanong ni Chiko? Diba pangalan 'yon nung babae?

"Oo."

"Hindi niya pangalan yung Donica?" pagtatanong ni Akira. Nabaling naman ni Reyna Ann ang atensyon niya kay Akira.

"Hindi, ang buong pangalan niya ay Lucien Abaya Balanga y Donica." sagot ni Reyna Ann sa tanong ni Akira.

"Ay shala, ang haba ng pangalan." saad naman ni Akira.

"Ano ang nangyari nang nakasalubong ni Binibining Akira si Binibining Donica?" pagtatanong ni Chiko.

Napabuga naman ng hangin si Reyna Ann.

"Inatake ni Binibining Donica si Akira at dahil sa proteksyon ng kwintas bumalik ang atake ni Binibining Donica sa kanya." paliwanag ni Reyna Ann.

"Bakit naman aatakihin ni Binibining Donica si Binibining Akira?"pagtatanong ni Chiko.

"Kase, gusto niya siya magiging reyna porke nilalandi siya ni Lei. Kala niya may pag-asa siya sa trono." sagot ni Akira.

"Akira!"saway ni Reyna Ann.

"Totoo naman,eh. Lahat ng nilalandi ni Lei kala nila may pag-asa sila sa trono." saasd ulit ni Akira.

"Sa sobrang landi ni Lei magpapatayan--hmm!!"tinakpan ko ng unan ang mukha ni Akira dahil masyado na siyang madaldal. Ang lakas naman ng loob ni Akira pagsalitaan ang anak ni Reyna Ann sa harap niya.

"Pagtapos ng nangyari kay Binibining Donica ay tumakbo si Akira kasama si Rin. Nakasalubong nila si Leizyl at kasama ni Leizyl si Binibining Suarez. Ang sabi ni Leizyl ay sinipa siya ni Akira at hinampas ng sapatos ni Akira si Binibining Suarez. Pagtapos ay nakasalubong nila ang mga magdadala ng pagkain para sa mga Royalty at mga naglilinis, at ang mga anak ng Royalty. Ayoko na sabihin ano ginawa ni Akira sa mga Royalty. " mahabang kwento ni Reyna Ann kay Chiko at Raven. Halatang nagulat si Chiko sa narinig at napahawak naman sa sentido si Raven.

The Other WorldWhere stories live. Discover now