51

40 1 0
                                    

Ituturo niya sakin yung huling paraan? Ano naman kaya 'yon?

Pinaupo niya ako sa sahig kaya umupo naman ako.

"Reyna Gladice, ano po yung huling paraan?" tanong ko naman at hindi ako sinagot ni Reyna Gladice.

"Ipikit mo ang iyong mata at padaluyin mo ang mahika mo at i-sentro mo sa puso." nagtaka naman ako agad sa sinabi niya.

"Sa puso ko po? Baka po mamatay ako bigla kapag ginawa ko 'yon."sabi ko kay Reyna Gladice.

Sa puso talaga? Hindi ba pwede sa tiyan na lang ulit?

"Sundin mo na lang ang sinabi ko." nagdadalawang isip ako sa pinapagawa ni Reyna Gladice pero pinikit ko pa rin ang mata ko.

Bakit biglaan ata yung pagtuturo sakin ni Reyna Gladice? Hindi ba delikado yung pinapagawa niya?

Pinadaloy ko ang magic current ko at sinentro sa puso ko. Dahan dahan ko lamang pinadaloy 'yon papunta sa puso ko. Habang pinapadaloy ko 'yon ay parang hindi mapakali ang katawan ko at parang gustong itigil ang ginagawa ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko at halos mabingi ako dahil sa lakas ng tibok. Palakas ng palakas ang pagtibok at tunog ng puso ko.

Bigla naman ako napadilat at hinabol ang hininga ko. Hinawakan ko ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko at tinignan si Reyna Gladice na hinihingal.

Ano 'yon? Feeling ko sasabog yung puso ko kapag ginawa ko 'yon ng matagal. At parang huminto pa saglit ang puso ko sa pagtibok pagdilat ko.

"Bakit tumigil ka?" tanong ni Reyna Gladice.

"Feeling ko...mamatay na...ako..." hinihingal kong sabi.

"Hindi ka mamatay kapag ginawa mo 'yan ng matagal. Gawin mo ulit." utos niya.

"Bakit... kailangan ko... gawin... 'to...?" hinihingal kong tanong.

"Dahil ito ang huling paraan para makontrol mo ng tuluyan ang kapangyarihan ng kwintas." sagot naman niya pero hindi ko maintindihan ang ibig sabihin niya.

"Gan'to... ba... kahirap 'yon...?" tanong ko naman.

"Tumingin ka ng mabuti sakin, Binibining Rin." sabi niya at tinignan ko siya ng maigi habang hinahabol ang hininga ko.

Biglang nagbago ang buhok at mata niya pati na rin damit niya.

Itim ang tuktok ng buhok niya at green sa baba. Ang mata niya ay naging green din. Naging crop top jacket at leather short ang suot niya. Naka boots din siya at may arnis siyang hawak.

Nanlaki naman agad ang mata ko sa gulat.

"H-huh?" gulat kong sambit.

Tinignan lang niya.

"Kaya kailangan mong gawin 'yan upang magawa mo 'to at lumakas ka pa lalo. Alam kong biglaan at halos kailan lang nawala ang proteksyon ng kwintas sa inyo." sambit ni Reyna Gladice at tinignan ko lang siya.

"Kayo ang susunod na reyna at sa nangyayari ngayon sa mundong 'to ay kailangan namin ng tulong niyo. Alam kong may pinagawa sa inyo si Ginoong Azrael at maaari kayong mapahamak sa gagawin niyo kaya gusto namin ituro sa inyo 'to." paliwanag ni Reyna Gladice.

Kaya ba umalis sila Hazel para gawin din 'to? Posible ba na makontrol namin agad yung kwintas ng isang araw lang?

"Magagawa po ba namin agad 'yan pagtapos ng ginagawa namin ngayon?" tanong ko at umiling naman si Reyna Gladice.

Kung gano'n bakit minamadi nila kami? Naiintindihan ko yung sitwasyon pero parang eto magiging dahilan ng pagkamatay namin. Parang tumigil talaga saglit sa pagtibok ang puso ko.

The Other WorldWhere stories live. Discover now