84

32 5 0
                                    

RIN P.O.V

Nasa himpapawid kami ngayon at nakasakay ako kay Morpheus. Kasama ko si Arnel, Hazel, Niwe at Aylene. Pabalik na kami ngayon sa Ihyopa para ituloy ang gawain namin kahit pa kakatapos lang ng patimpalak. Hindi namin pwedeng patagalin pa ito. Halos magda-dalawang linggo na namin hindi ginagawa ang gawain namin.

Bigla kong naalala ang expression ng mukha ni Morpheus nang makita ko siya kanina. Mukhang may nalaman siyang hindi maganda base sa expression niya kanina. Kaya siguro itinuloy ni Morpheus ang plano namin na paglisan ngayon araw kahit pa may nangyari na hindi maganda kahapon. Dahil kung walang nangyari ay paniguradong pagpapahingain muna kami ni Morpheus kahit isang araw man lang.

Pero ano kaya ang nangyari?

"Binibining Rin." naputol ang pag-iisip ko nang tawagin ako ni Arnel. Tinignan ko naman siya na may pagtataka. Tinignan niya ako na may pag-aalala.

"Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" alalang tanong niya at tinanguan ko naman siya.

"Maayos lamang ang pakiramdam ko. Hindi mo kailangan mag-alala." naka ngiti kong sabi sa kaniya.

Hindi ko kailangan isipin kung anong nangyari. Malalaman ko rin iyon pagdating namin.

"Sigurado ka ba Binibining Rin?" pagtatanong niya at tumango lang ako ulit.

[Mga Binibini, andito na tayo.]

Sabay-sabay kaming napatingin sa baba nang marinig namin iyon. Makikita mo sa ibaba ang mabatong lugar at ang malayong bayan.

Bumaba si Morpheus sa lugar na 'yon at bumaba rin kami. Nakita rin namin ang mga prinsipe na nagbabantay ng mga kabayo.

"Dumating din kayo." bungad sa'min ni Kevin.

"Ano ang lugar na 'to." tanong ni Hazel kay Morpheus.

"Ang lugar na ito ay parte ng bayan ng Agate. Kilala ang lugar na ito sa ganda ng lawa nito. Aakalain mong tahanan ng mga diwata ang lawa sa ganda nito dahil sa maliliit na liwanag na pumapalibot dito. Mapa umaga at gabi ay maganda ang lawa. Lalo na kapag tumingin ako sa lawa ay napakaganda nang nakikita ko. "

Lawa? May lawa rito?

"Ngunit puro bato lang ang nakikita ko?" takang tanong ni Hazel.

"Dahil malayo tayo sa lawa."

"Atin bang pupuntahan ang lawa?"

"Hindi iyon ang ating pinunta."

"Pwede ba namin makita ang lawa?"

"Hindi maaari, may kailangan tayong gawin."

"Pwede ba muna namin puntahan ang lawang iyon? Gusto ko makita kung gaano kaganda ang ganda nito."

Tinignan ni Morpheus si Hazel na may pagka irita bago sumagot.

"Sumakay na kayo sa kabayo, aking ituturo ang daan papunta roon ngunit pagkatapos ay siguraduhin niyong gagawin niyo ng maayos ang trabaho niyo." pagsuko ni Morpheus at napangiti naman ng malawak si Hazel.

Katulad nang sinabi ni Morpheus ay sumakay ako sa isa sa mga kabayo na bantay ng mga prinsipe.

Inantay kong sumakay si Arnel ngunit laking gulat ko nang sumakay si Akira sa kabayong sinasakyan ko.

Tinignan ko ito at may inis na expression siya na pinapakita.

"Binibining Akira! Hindi ko na uulitin! Bumalik ka na rito!" rinig kong sigaw ni Jasper kaya napalingon ako sa dereksyon nito.

Tumatawa ito habang nakasakay sa kabayo na naglalakad palapit dito. Pinupunasan na rin nito ang mata niya dahil lumuluha na siya kakatawa.

"Ayoko! Lumalayo layo ka sa'kin baka mandilim ang paningin ko sa'yo." inis na sabi ni Akira at mas lalong tumawa si Jasper.

The Other WorldWhere stories live. Discover now