25

45 3 0
                                    

AKIRA P.O.V

Kung kagabi ay naulan at napakalamig ngayon naman halos maghubad na ako dahil sa init.

Gaano ba kagalit yung mga kapatid na babae ni Ginoong Deseo? Pakiramdan ko matutusta na ako,eh.

Naglakad lakad ako sa palasyo. Bigla kong nakita si Ron at Aylene sa di kalayuan. Nakuyom ko naman yung kamay ko dahil nakita kong suot ni Aylene ang kwintas na dapat ay kay Rin.

Agad akong umalis don dahil baka kung ano pa ang magawa at masabi ko sa dalawang 'yon.

Mas lalong umiinit ulo ko dahil sa sobrang init ngayon. Ano naman kaya mangyayari sa susunod? May dadating bang bagyo?

Sana okay lang si Rin sa init na 'to.

RIN P.O.V

Idinilat ko ang mata, bigla naman kumirot yung ulo ko. Argh! Ano bang nangyari? Pinagod ko ba ng husto yung katawan ko?

Dahan dahan akong umupo. Walang tao dito sa bahay. Asaan sila Arnel?

Nakarinig naman ako ng mga sigawan sa labas. Agad akong tumayo. Sumusugod na naman ba yung mga demdra? Masyado pang mabigat yung katawan ko.

Pagkalabas ko ay may mga sugatan na nakahiga sa banig dito sa labas. At si lola naman ay pinapagaling ang mga taong sugatan. Sila Arnel at ang iba naman ay inaalalayan ang mga sugatan. Napansin ako ni Arnel kaya agad siyang lumapit sakin.

"Anong nangyayari?" agad na tanong ko pagkalapit niya. May mga demdra pa rin ba?

"Kailangan lang gamutin ang mga sugatan pero...si lola lang ang may healing magic." alalang sabi ni Arnel.

Napatingin naman ako sa mga taong sugatan. Kapag gumamit pa si lola ay mas lalo siyang manghihina.

"Ilan na napapagaling ni lola?" tanong ko.

"Mga nasa sampu pa lang." napakagat naman agad ako sa labi ko.

Kung humiling kaya ako? Pero kakahiling ko lang kahapon, pwede pa kaya akong humiling? Ganto ba lagi nangyayari sa kanila.

Nakita ko naman ang mga bata na naiyak sa isang sulok at parang natatakot.

Huminga muna ako ng malalim at pinikit ulit ang mata ko at humiling.

'Gaia, ang isa sa mga unang reyna ng apat na kaharian at isa rin sa walong magkakapatid ako ay humihiling ng kapangyarihan magpagaling sa mga tao dito. Hinihiling ko na bigyan mo ako ng healing magic.'

'Aking ibibigay ang iyong kahilingin ngunit sa isang kondisyon.'

Nagulat naman ako ng may marinig akong boses. Kondisyon?

'Tatanggapin ko kahit ano kung matutulungan ko ang mga tao dito.'

'Ang kondisyon sa kapangyarihan na hiniling mo ay iyong lakas. Gamitin mo ang iyong lakas upang mapagaling sila. Ngunit siguraduhin mong mag-iingat ka sa paggamit ng iyong mahika, dahil ang lakas mo ang kapalit.'

Wait, 'yon na yung kondisyon? Kondisyon ba talaga 'yon? Bakit parang hindi?

Dinilat ko na yung mata ko at parang bumilis yung pagdaloy ng malamig na tubig sa katawan ko. Muntikan pa ako matumba buti na lang nakakapit agad ako kay Arnel.

Lumapit agad ako sa taong sugatan.

"Binibining Rin!" pagtawag sakin ni Arnel pero hindi ko siya nilingon.

Tinapat ko yung kamay ko sa kaniya at pinikit ang mata ko. Dinala ko lahat ng malamig na tubig sa kamay ko. Dinilat ko ang mata ko at may liwanag na nagappear sa kamay ko. Pero dahil nga sa pagbilis ng daloy ng malamig na tubig at ipinwesto ko lahat iyon sa kamay ko ay biglang lumaki yung ilaw.

The Other WorldKde žijí příběhy. Začni objevovat