12

48 2 0
                                    

Katulad ng sinabi samin ni Reyna Ann, inaantay namin ang pagdating ni Raven. At kanina pa nakangiti si Akira at mukhang may pinaplano na hindi maganda. Asa labas kami ng palasyo at kasama namin si Chiko. Umalis din ang Mahal na Hari at si Reyna Gladice. Mukhang May pupuntahan silang napaka importante dahil hindi naka gown si Reyna Gladice. Hmm, Naka kapa at hindi gaano kahaba ang suot niyang damit. Naka armor naman ang Mahal na Hari. Mukhang dapat kasama si Chiko don pero pinaiwan nila si Chiko para samahan kami ni Akira. Ano kaya ang nangyari? Yun ba yung mga nilalang na sinabi ni Reyna Gladice? Yung mga demdra? Sabi rin niya na bigla bigla na lang din sumusulpot ang mga 'yon. Ang sabi ko sayo Rin huwag ka na magisip. Hayss.

Napansin namin na may papalapit na agila dito. Si Raven na ata 'yon. Ang laki,eh. At ngayon ko lang napansin na isa pala siyang Agila. Bakit di ko ba naisip yon nung unang nakita ko si Raven?

Nang pababa na ito ay nag anyong tao siya. Lumapit siya samin ni Akira at nagbigay galang.

"Nagagalak akong makita kayo ulit mga binibini. Ipagpaumanhin niyo dahil hindi ako nakapagpaalam sa inyo nang papaalis na ako noon." saad niya at tinapik ko lang ang balikat niya.

"Hindi naman kami galit ni Akira. Uhm...pwede na ba tayo umalis?" tanong ko. Sayang oras,eh. Tumango naman si Raven at umatras samin ni Akira. At nag-anyong malaking agila ulit. Tumakbo na palapit doon si Akira para sumakay. Humarap naman ako kay Chiko.

"Chiko, mukhang kailangan mo atang pumunta kay Reyna Gladice. Hindi mo na kami kailangan samahan pa ni Akira papuntang Ningkahaze. Puntahan mo na lamang si Reyna Gladice." saad ko at mukhang nagulat naman si Chiko sa sinabi ko.

"Ngunit ang bilin sakin ng Mahal na Rey-" pinutol ko agad ang sasabihin niya.

"Kasama naman namin si Raven. At wala naman kaming ibang pupuntahan ni Akira. Kaya sige na pumunta ka na kay Reyna Gladice." nakangiti kong sabi. Nagdadalawang isip pa siya.

"Masusunod, ngunit ipangako mo sakin na hindi niyo babalakin tanggalin ang inyong kwintas." seryosong sabi ni Chiko. Iniisip niya ba nag sinabi ni Reyna Angelika? Tumango naman ako sa sinabi ni Chiko.

"Hindi ko tatanggalin 'to." sabi ko.

"RIN! TARA NA!" rinig kong sigaw ni Akira.

"Aantayin ko muna makaalis kayo ni Binibining Akira bago ko puntahan ang Mahal na Reyna." saad ni Chiko at tumango lang ako at naglakad na papunta kila Akira. Nang makalapit ako ay tinulungan ako ni Akira makaakyat. Bago lumipad si Raven ay kumaway muna ako kay Chiko kumaway din si Akira at kumaway naman pabalik si Chiko. Kumapit ako sa bewang ni Akira at kumapit naman si Akira kay Raven. At dahan dahan kami lumipad.

Biglang nanlamig ang buong katawan ko habang pataas ng pataas ang lipad ni Raven. Napakapit ako ng husto kay Akira.

"Rin, hindi ako makahinga." reklamo ni Akira pero hindi ako bumitaw. Kapag ako nahulog patay agad ako. Ang taas kaya. Kasing taas ata namin ang pinakatuktok nitong palasyo. At nagsimula na nga lumipad palayo si Raven. Ang ganda ng view nang nadadaanan namin pero hindi ako makatingin ng maayos dahil pakiramdam ko ay malalaglag ako kapag gumalaw ako kaya hindi ko binabalak gumalaw. Nanlalamig pa rin ngayon ang buong katawan ko.

"Anong kaharian 'to?" tanong ni Akira. Tinignan ko kung ano ang tinignan niya. Napakapit ako ng husto kay Akira dahil akala ko malalaglag ako nung tumingin ako.

"Miaguazu." sagot ko naman.

"Aray ko naman, Rin. So dito ka pala galing kahapon." tumango tango lang ako sa sinabi ni Akira.

The Other WorldWhere stories live. Discover now