5

118 5 0
                                    

"Akira...gising!...Oyy!!" paggising ko sa kanya pero pinalo lang niya ang kamay ko.

"Ingay mo." mahinang sabi niya. Nagsasalita pala 'to kapag tulog.

"Ba't dyaan ka natulog sa sahig? Bakit ka pala natutulog? Maghahanap tayo ng paraan diba?" tanong ko sa natutulog na Akira. Pero hindi na ito sumagot. Tawagin ko ba sila Chiko at Raven? Paano ko pala sila tatawagin? Sisigaw ako sa pasilyo? Tumingin ako sa paligid at walang ni-isang tao ang nadaan.

"Aish, Paano ko ba tatawagin sila Chiko at Raven?" bulong ko sa sarili ko.

"Ano ang maipaglilingkod ko? Binibini Rin." bigla kong narinig ang boses ni Chiko kaya napalingon agad ako sa likod ko.

"Chiko! Paanong- nevermind. Natulog si Akira sa sahig pagkatapos namin buksan itong pinto." turo ko kay Akira na mahimbing na ang tulog. Lumapit si Raven kay Akira at maingat itong binuhat.

"Pumunta na muna tayo sa kwarto ninyong dalawa, nagluluto pa ng hapunan. Kumain na lamang kayo kapag gising na si Binibining Akira." saad ni Raven at tumango ako. Akmang aalis na kami ng huminto ako.

"Teka lang." saad ko at tumakbo sa may bookshelf kinuha ko ang libro na nabasa ko kanina. Yung libro na tungkol sa baybayin.

Tumakbo ulit ako palapit sa kanila.

"Tara na." at nag-umpisa na kaming maglakad. Habang naglalakad kami ay wala man lang kaming nakasalubong ni-isang tao man lang. Bawal siguro lumapit sa library na 'yon.

Huminto kami sa isang pinto. Buti na lang normal lang ang pinto hindi katulad do'n. Binuksan ni Chiko ang pinto. Unang pumasok si Raven at sumunod ako. May dalawang higaan sa kwartong iyon. Inihiga ni Raven si Akira sa kanan na higaan. So sa kaliwa ako matutulog.

"Maraming salamat." pagpapasalamat ko kay Raven.

"Maligaya akong makatulong sa inyo, Binibini Rin." saad ni Raven habang nakayuko. Hindi nga nila kailangan akong igalang.

Lumabas na sila ni Chiko umupo ako sa kama ko at binuksan ang librong hawak ko. Sa tingin ko kailangan din namin pag-aralan ni Akira 'to. Hindi ko 'to pag-aaralan para maging reyna. Pag-aaralan ko 'to dahil baka may makuha akong ibang clue sa ibang libro sa mundong 'to. Too bad dahil nakasulat ang lahat ng libro sa mundong 'to sa baybayin. Kaya kailangan kong pag-aralan 'to. Inumpisahan ko ng pag-aralan ang tungkol sa baybayin. Akala ko mga letra lang ng baybayin ang nakasulat dito. Nakasulat din dito ang origin ng baybayin.

Origin of baybayin

Baybayin is a writing system native to the Philippines, attested from before Spanish colonization through to at least the eighteenth century. The word baybay means "to spell" in Tagalog, which was the language most frequently written with the baybayin script. Apart from Tagalog, baybayin (with some necessary changes) was used to write Ilocano (Iloko), Kapampangan, Pangasinan, Bisaya, and Bikol.

The examples of baybayin are generally of two sorts. First, there is abundant documentation from the Spanish colonizers who arrived in the Philippines starting from Magellan's arrival in 1521 (and especially after 1565, the first military expedition). Among these sources is the famous Doctrina Christiana, a 1593 codex written in Spanish and Tagalog, with the latter written in both Latin and baybayin scripts. As a bilingual, this document is our most valuable source for understanding baybayin. The second kind of sources we have are a limited number of handwritten documents by proficient users of baybayin. Most of these are fragmentary notes, signatures, and other short snippets. We have only two longer documents: deeds of sale from 1613 and 1635. All other sources for baybayin are modern and generally emulate these earlier examples.

The Other WorldWhere stories live. Discover now