80

34 4 0
                                    

Akira P.O.V

Hindi ko akalain na malaki ang epekto ng paggamit ko ng mahika ko habang nanghihina ang katawan ko. Akala ko ay kakayanin ko kahit papaano pero nagkamali ako.

Nakaramdam ako ng mainit na bagay na nakahawak sa kamay ko. Hinawakan ko rin iyon ng mahigpit. Gusto ko man idilat ang mata ko ngunit wala akong lakas para gawin iyon.  Wala rin akong maramdaman na lakas sa buong katawan ko.  

"Akira?!" may narinig akong pamilyar na boses. Boses iyon ni Lei. Bakit nandito 'tong damuhong 'to? 

Narinig ko pang sumigaw ito. Nakaramdam ako bigla ng pagka ikot ng paligid ko at nakatulog muli. 

.

.

.

"Hrmm..." unti unti kong dinilat ang mata ko. Naramdaman kong may nakahawak pa rin sa kamay ko. Nakita ko si Lei na natutulog sa gilid ko. Bukod sa aming dalawa ay wala ng tao roon. 

Binaling ko ang tingin ko sa bintana at nakita ko ang maliwanag na buwan sa labas. Inalala ko ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay. 

'Trust me' 

Naalala ko ang sinabi ni Rin at na-guilty naman ako bigla. Kailangan kong mag sorry sa kanila. Sigurado akong maayos lang ang lagay ni Denise at Lento. Kung sila Rin 'yon ay paniguradong naligtas nila ang dalawang bata at nagamot na. 

Sa ngayon ay kailangan kong mag focus sa pagpapagaling at pagbalik ng lakas ko. Paniguradong natigil na naman saglit ang pinapagawa nila samin dahil sa lagay ko. 

"Hmm?" bigla naman nagising si Lei at napatingin sakin. Nagtama ang mata namin at mukhang bangag pa siya dahil ilang minuto muna bago nanlaki ang mata niya sa gulat at biglang napatayo. 

"Akira?! Gising ka na ba talaga?!" 

"Hindi. Hindi pa ako gising. Guni guni mo lang na dilat mata ko." sarcastic na sabi ko sa kaniya. 

"Teka lamang at tatawagin ko ang iba!" akmang aalis na siya ng pigilan ko siya. 

"Bakit?" tumingin ito sa'kin na may pagtataka. 

"Kuha mo na rin ako ng tubig at pagkain." tuyo ang lalamunan ko at walang kalaman laman ang tyan ko. 

"Huh? Uh sige. Tatawagin ko na rin sila habang kumukuha ako." pagtapos niya sabin iyon ay pinalabas ko na siya. 

Tumingin ulit ako sa labas at nag muni-muni lang. Hindi pa gano'n katagal nang umalis si Lei nang bumukas ang pinto. Napatingin naman ako kung sino iyon at gulat na tumingin kay Jasper. Nagtama ang paningin namin at gulat din siyang tumingin sakin. 

"Gising ka na Binibini?!" gulat na sambit nito at tumango tango naman ako. 

Tinawag ba siya ni Lei? 

"Kamusta ang iyong pakiramdam? Nanghihina ka pa rin ba?" tanong niya at tumango naman ako. 

"Mabuti naman at gising ka na. Halos magi-isang linggo ka ng tulog."

"HUH?! *cough* *cough*" napaubo ako bigla dahil sa biglaang pag sigaw. Nakalimutan kong tuyo ang lalamunan ko. 

"Binibini?! Anong nangyari sa'yo?" lumapit siya at tinulungan akong umupo. Hinagod hagod niya ang likod ko. 

"Ayos *cough* lamang ako." sabi ko sa kalagitnaan ng pag-ubo ko. 

Nang huminto na ang pagtahol ko ay tinanong ko siya. 

"Isang linggo na akong walang malay?" tanong ko at tumango tango naman siya. 

Hindi ko aakalain na gano'n katagal na akong walang malay. Akala ko ay nasa 2-3 araw lamang. 

The Other WorldNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ