40

59 4 0
                                    

Pagtapos ng nakita namin ay nagpasya kaming bumalik na lang sa bahay. Bumalik kami sa bahay at nagpalit ng damit. Amoy suka kaming apat. May short, sando at t-shirt na sa lagayan ng damitan ko. Onti lang 'yon dahil siguro ay tatlong araw lang kami dito sa bayam ng Shisakilzen.

Nagpalit ako ng damit at humiga sa higaan ko. Nagtaklob ako ng kumot at niyakap ng maigi ang unan ko.

Ano yung nakita namin kanina? Ginawa ba 'yon ng mga Demdra? Pero sa pagkakaalam ko ay may barrier ang Shisakilzen, eh. Paano naman nakapasok ang mga demdra?

Nanginig ako sa takot dahil sa nakita ko kanina.

Paanong nangyari 'yon? Akala ko ba pinoprotektahan ang mga tao dito? Bakit ba nangyayari 'to?

*Tok**tok*

Napatalon ako sa gulat at naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.

"B-bukas 'yan!" utal na sigaw ko.

Bumukas ang pinto at pumasok si Morpheus.

"Narinig ko kila Leo ang nangyari. Mukhang hindi maayos ang pakiramdam mo." sabi ni Morpheus kaya napatingin ako sa baba.

"A-anong nangyari do'n?" tanong ko kay Morpheus. Naramdaman ko naman na umupo siya sa higaan ko.

"Kung iniisip mo na Demdra ang may kagagawan ng nangyari ay mali ka." sabi ni Morpheus kaya napatingin ako sa kaniya at nakatingin din siya sa'kin.

"Kung gano'n sino?"tanong ko.

"Hindi ka ba nakinig sa'kin kanina? Hindi lamang Demdra at tao ang nandito sa mundong 'to. At kaya nga nandito tayo dahil sa ibang nilalang na gusto rin kainin o inumin ang dugo ng tao." sabi naman ni Morpheus.

"Vampire?" gulat na tanong ko at mukhang nagtaka naman si Morpheus.

"Vam...ano? Aswang ang tinutukoy ko." sabi naman ni Morpheus.

"ASWANG?!" sigaw ko dahil sa gulat.

"Hayss, mukhang marami pa akong kailanga ipaliwang sa'yo. Matulog ka na lang." sabi ni Morpheus at umiling ako.

"Anong oras pa lang at...natatakot ako dahil sa nakita ko kanina." mahinang sabi ko.

Narinig kong bumuga ng hangin si Morpheus.

"Kung gano'n ay babantayan kita matulog." sabi ni Morpheus. Tinignan ko naman siya.

"Pwede ba magmaliit kang anyo tapos tumabi ka sa'kin?" tanong ko kay Morpheus at sinamaan naman niya ako ng tingin kaya bumusangot ako.

"Sige na nga." pagsuko ni Morpheus at nagtransform naman siya sa maliit na anyo niya. Napangiti naman ako at humiga sa higaan ko. Lumapit naman si Morpheus at humiga malapit sa mukha ko.

Niyakap ko naman yung maliit na anyo ni Morpheus bago ko ipikit ang mata ko at natulog.

.
.
.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla akong napunta sa isang lugar. Wasak lahat ng bagay na makikita ko. Sa sahig ay may bakas ng karmot ng isang bagay.

Anong nangyayari? Nasaan ako? Di ba natulog ako? Panaginip ba 'to? May nag-aaway ba? Bakit gan'to ang itsura ng lugar.

Sa di kalayuan ay may nakita akong dalawang tao. Isang lalaki at isang babae. Naglakad naman ako ng dahan dahan at napatigil ako. Nanlaki yung mata ko dahil biglang nawawala ng unti-unti ang babae.

Hindi ko maintindihan yung suot ng babae. Natatakpan ng kapa ang pang-itaas niya pero naka leather short siya.

Unti-unting nawawala ang dalawang paa ng babae. Nagiging green na liwanag ito at umaakyat papuntang langit.

The Other WorldWhere stories live. Discover now