62

34 2 0
                                    

Pumunta kami sa kwarto ko para mag-usap. Umupo ako sa sofa at umupo naman siya kaharap ko.

"Sabihin mo sa'kin ang buong detalye." seryosong sabi ko.

"Tsk. Ang mga nawawalang tao ay posibleng dinakip ng mga Demdra ngunit wala pa kami nakakalap na impormasyon tungkol sa kinaroroonan nila."

"Hindi niyo pa nahahanap yung kuta nila?"

Hindi ba't si Morpheus ang nagbabantay sa kilos ng mga Demdra? Edi alam niya kung nasaan ang kuta ng mga Demdra.

"Alam ko kung nasaan ang kuta nila, Binibini, ngunit wala roon ang mga taong hinahanap natin." agad akong nagtaka sa sinabi niya.

"Wala sila roon?" tumango siya sa sinabi ko.

"May namumuno rin sa mga Demdra at 'yon ay ang kanilang Reyna." nakinig ako ng maigi sa sinasabi ni Morpheus.

"Ang Reyna nila ay nasa kuta nila ngayon ngunit may mga Demdrang hindi sumasailalim sa kapangyarigan ng Reyna.  At ang mga Demdrang 'yon ay nagtatago lamang sa kung saan-saan. At mukhang nasa kanila ang mga taong hinahanap natin. Ang problema nga lang ay hindi namin alam kung nasaan sila." paliwanag ni Morpheus.

Wait, medyo naguluhan ako sa sitwasyon namin ngayon.

May mga Demdra akong nahuli ngunit...nasa loob kami ng barrier. Hindi ba't ang barrier ay para hindi makapasok ang mga Demdra? Paanong nakapasok sila?

"Morpheus, hindi ba't ang barrier na nakapalibot sa kaharian ay para sa mga Demdra?" tumango naman si Morpheus.

"Kung gano'n paano nakapasok ang mga Demdra sa loob ng barrier?" curious na tanong ko pero iniwas lang ni Morpheus ang tingin niya at hindi ako sinagot.

Don' tell me...

"Oi, Morpheus. Ang sabi ko sasabihin mo sa'kin ang buong detalye, wala kang ililihim." madiin na sabi ko at napa tsk ulit siya.

"Ang barrier ay ginawa noon ng mga Reyna upang protektahan ang mga tao. Mga malalakas na Demdra lamang ang kayang pumasok sa loob ng barrier. Katulad ng nakalaban niyo noon. Ngunit ang mga nahuli mo ay mahihinang klase lamang. Katulad ng ginawa ko kila Ginoong Arnel ay maaaring may gumamit ng mahika sa kanila upang makapasok sa loob ng barrier. Ngunit hindi namin alam kung sino." labag sa kalooban na sabi ni Morpheus.

Masyadong complicated ng sitwasyon. Argh, hindi pa nga ako nagiging reyna may malaking problema na agad.

Napabuntong hininga naman ako.

"Ano ang pwede namin gawin?" pagtatanong ko.

"Sila Reyna Gladice na ang bahala sa paghahanap ng lokasyon ng mga Demdra at kung paano sila nakapasok sa loob ng barrier. Ang kailangan niyo lamang gawin ay mag-imbestiga tungkol sa kasong 'to." paliwanag ni Morpheus.

"Bakit kila Reyna Gladice natambak lahat ng trabaho? Pwede naman namin hanapin ang lokasyon kung nasaan ang mga tao habang nag-iimbestiga kami."

"Hindi maaari, Binibini. Iyon ay trabaho ng mga reyna at hindi pa kayo ang reyna. Gawin mo lamang ang pinapagawa sa'yo."

Tinignan ko si Morpheus at nagtaka naman siya kung bakit tinititigan ko siya.

"Wala ka na bang tinatago sa'kin?" tanong ko at napangiwi naman siya sakin.

"Sinabi ko na lahat ng detalye tungkol sa mga taong hinahanap natin."

"Ah! Bago ko pala makalimutan, lahat daw ng dapat kong gawin ay ginagawa mo. Simula ngayon ay ako na ang gagawa no'n. Ibigay at ipaliwanag mo na lang." nagtaka naman si Morpheus sa sinabi ko.

The Other WorldWhere stories live. Discover now