78

29 1 0
                                    

Unti-unti kong dinilat ang mata ko. Malabo ang paningin ko at sobrang sakit ng likod ko. Naaalala ko kung ano ang nangyari pero hindi ko alam kung ano nangyari pagkatapos.

Ano kaya nangyari sa dalawang bata?

Nang maging malinaw na ang paningin ko ay bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kisame.

*sniff*

Biglang kumulog ang tiyan ko dahil sa mabangong amoy na naaamoy ko.

Dahan dahan akong bumungon at kada galaw ko ay kumikirot ang likod ko. Pagkaupo ko ay napansin ko agad ang damit ko.

Sino ang nagpalit ng damit ko?

Naka light dress lang ako. Parang pang night dress lang ang suot ko.

"Kung gusto mo bumalik ang iyong lakas Binibini kailangan mong kumain." napatingin ako sa isang babae na nakaupo malapit sa bintana.

"Hindi ko iyon pinalagyan ng lason o kung ano man. Hindi magugustuhan ng Mahal na Reyna iyon." nakangiti nitong sabi.

"Pake ko kung hindi magugustuhan ng Reyna ng mga Demdra 'yon?"

Mas pinili talaga niya magsilbi sa Reyna ng mga Demdra?

Nilibot ko ang paningin ko at mukhang nasa loob kami ng kwarto. Naka kadena pa rin ako. May nakita akong pagkain sa lamesa at mukhang doon nanggagaling ang mabangong amoy.

"Asaan yung batang nahimatay?" pagtatanong ko ngunit hindi ito sumagot.

"Asaan sila?" pagtatanong ko ulit.

"Hindi mo na kailangan malaman, Binibini. Magpahinga ka na lamang at kumain."

Sinubukan kong gamitin ang magic ko pero hindi ko pa rin nagagamit. Napakagat ako sa labi dahil sa inis at tumingin sa babae.

Wala akong maisip na paraan para makatakas. Ni hindi ko matulungan yung dalawang bata. I'm useless without the Wind Magic.

Tumayo siya at lumapit kung nasaan nakalagay ang pagkain at hinain 'yon sa harapan ko.

"Hindi mo ba naintindihan sinabi ko-" napadako ang tingin ko sa kutsilyo.

"Tsk." umacting ako na kakain sa harapan niya.

Nang lumayo siya sakin saglit ay dali dali kong dinampot ang kutsilyo at lumayo sa kaniya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" inis at gulat na sigaw niya sakin.

Akmang gagamitin niya ang magic niya nang itutok ko ang kutsilyo sa leeg ko at binaon 'yon kaunti. Napadaing ako at naramdaman ko ang pagtulo ng dugo ko.

"Binibini! Gagawin mo ba talaga 'yan para sa dalawang bata na hindi mo naman kilala?!"

Nakatingin lang ako sa kaniya. Tama naman siya, wala akong rason para gawin 'yon sa kanila dahil hindi ko naman sila kilala at hindi sila related sa'kin. But if I ignore them...I know my brother will be disappointed. At alam ko ito ang tama, kung nasa pwesto ko sila Rin ay ililigtas din nila ang mga batang 'yon o lahat ng tao na nagtatrabaho rito.

"Sila ay nasa kulungan nila, Binibini. Ngayon ay ibaba mo naman." pagsukong sabi niya.

"Nagamot na ba sila?"

"Bakit naman namin iyon gagawin?" mas lalo kong binaon ang kutsilyo sa leeg ko at mas maraming dugo ang dumaloy. Naramdaman kong umiikot ulit ang paningin ko.

Hindi pa tuluyan bumabalik ang lakas ko tapos inuubos ko ngayon yung dugo ko.

"Amin silang gagamutin! Itigil mo na 'yan, Binibini!"

The Other WorldWhere stories live. Discover now