70

41 2 0
                                    

RIN P.O.V

Bigla akong nagising at agad na umupo na kinakapos ng hininga. Naramdaman ko rin na uminit ang katawan ko at pinagpawisan ako. Napasapo ako sa ulo ko at pinikit ang mga mata ko. Inalala ko ang mga nakita ko sa alaala ng tatlo. Dahil sabay sabay ko sila niligtas mula sa magic ay malaki ang naging epekto nito sa'kin.

Nang maalala ko na ng maayos ang nakita ko ay unti-unti ko dinilat ko ang mata ko at hinayaan tumulo ang luha ko. Pinunasan ko 'yon at tumingin sa tatlo na nakaupo ngayon at tulala sa kawalan. Mukhang mas malaki ang epekto sa kanila kaysa sa'kin.

"Buti naman at nakabalik kayo ng ligtas." napatingin ako kay Morpheus na nasa gilid ko at sinamaan siya ng tingin. Walang sabi-sabi na binatukan ko siya.

"Bakit ka nananakit, Binibining Rin?" takang tanong nito sa'kin.

"Ginamit mo bigla ang mahika mo sa'kin at hindi mo sinabi kung paano kami makakabalik!" inis na sabi ko sa kaniya. Hinulaan ko lang ang daan pabalik sa consciousness namin. Paano kung naligaw ako at mali ang napuntahan ko? Edi panibagong problema.

"Hindi ko nasabi?" parang gulat na tanong nito kaya binatukan ko siya ulit. Hindi naman na siya umangal at tumingin kila Hazel kaya napatingin din ako sa kanila.

Nakatakip ang dalawang kamay ni Akira sa mukha niya at naririnig ko ang mahinang hikbi nito. Kita ko naman yung dalawa na may nagbabadya rin na luha na gustong tumulo pero pinipigilan lang nila. Kumirot naman ang dibdib ko dahil doon.

Ang mga soul familiar naman nila ay nakayakap lang sa kanila dahil nararamdaman nila ang nararamdaman ng mga ito. Tinignan ko naman si Morpheus at taka rin itong tumingin sakin. Manhid ba 'to?

Ilang minuto ko hinayaan ang tatlo na umiyak at napagdesisyunan namin nila Morpheus na bumalik na lang muna sa bahay dahil panigurado na hindi kami makakapag-imbestiga ng maayos dahil sa nangyayari sa tatlo.

Pagbalik namin sa bahay ay agad namin nakita ang mga prinsipe at si Aylene. Nakalimutan ko na kasama nga pala namin si Aylene. Pumayag naman si Reyna Gladice kaya wala rin kaming problema.

Agad namin tumingin ang tatlong prinsipe sa tatlo na namamaga at namumula ang mata kakaiyak. Humihikbi hikbi pa sila. Taka lang nakatingin ang tatlo at hindi nagtangkang kausapin sila Hazel nang umakyat ang mga ito sa kwarto nila.

Nang mawala sa paningin nila ang tatlo ay nilipat nila ang tingin nila sa'kin at naitikom ko naman ang bibig ko. Wala akong karapatan para sabihin ang nakita ko. Hindi ako nagsalita at nakipag titigan sa mga prinsipe.

"Hindi mo ba pwedeng sabihin saamin?" tanong ni Aizen at umiling iling ako. Kahit ipa torture niyo pa ako hindi ako magsasalita.

"Hayaan niyo lamang ang mga Binibini magpahinga. Ikaw rin umakyat ka na." utos sa'kin ni Morpheus. Tinignan ko naman ito bago umakyat sa kwarto ko. Bawal ba mapalitan ang soul familiar? Inuutos utusan lang ako ng akin, eh.

Umakyat ako sa kwarto ko at nagbanlaw ng katawan dahil ang lagkit ng katawan ko at pagtapos ay nagbihis. Humilata naman ako sa higaan ko at tumingin sa kisame.

Hindi ko alam paano tutulungan ang tatlo sa problema nila ngayon. Ilang taon nila sinubukan kalimutan 'yon pero bigla na lamang nagpakita ang mga alaalang 'yon.

Naipikit ko ang mata ko at hindi ko napansin na nakatulog ako. Paggising ko ay madilim na sa labas. Bumaba ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Pagkababa ko ay nakita ko ang mga lalaki kasama si Morpheus na nag-uusap usap. May mapa rin na nakalatag sa lamesa at nakapalibot sila roon. Seryoso ang mga mukha nila habang nakikinig sa sinasabi ni Morpheus.

Mamaya na nga lang ako kakain.

Bumalik ako sa taas at bago ako pumasok sa kwarto ko ay sumilip muna ako sa kwarto ng tatlo. Una kong pinuntahan ay ang kay Hazel. Pagkabukas ko ng pinto ay agad ko siyang nakita at nakayakap ito sa maliit na lion. Lumapit ako sa higaan niya at pinagmasdan ang mukha niya. May tuyong luha sa mata niya. Tahimik akong lumabas at pumunta sa kwarto ni Akira. May yakap din itong naliit na griffin at basa ang unan niya. Gano'n din kay Rei. Basa ang unan at bangs nito kakaiyak.

The Other WorldWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu