Simula

8.7K 354 23
                                    

Isang napakalakas na pagsabog ang namutawi sa kalangitan sa gitna ng napakatahimik na gabi dahilan para magising at magsilabasan ang mga mamamayanan sa kani-kanilang mga tahanan at gulantang na napatingala sa kalawakan.

Doon nila nasilayan ang isang bumubulusok na bagay na siyang nababalutan ng kakaibang uri ng apoy. Kitang-kita nila kung paano itong bumagsak mula sa kalawakan at bumulusok paibaba sa isang mataas na bundok na tinatawag nilang bundok Culumos.

Ang lahat ay naiwang nakatingala  sa itaas habang nakaawang ang mga labi't hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Subalit agad rin silang napaigtad nang tuluyang bumagsak ang lumiliyab na bagay sa nasabing bundok dahilan para kumuwala rito ang isang napakalakas na enerhiyang kailanman ay hindi pa nila naramdaman. Ito'y naging sanhi ng pag hampas ng napakalakas na hangin sa buong lugar na muntikan ng ikawasak ng kanilang mga tahanan.

Ang pangyayaring iyon ay naging dahilan ng usap-usapan sa buong lupain ng Zahea. Lumipas pa ang mga taon at ito'y naging isang alamat.

Hanggang ngayon ay lingid pa rin sa kaalaman ng lahat kung ano ang misteryosong bagay na iyon, wala ni isa sa kanila ang nagtangkang akyatin ang bundok Culumos upang alamin ang tungkol sa nakita nilang lumalagablab na bagay sa kadahilanang ang lugar na ito'y mapanganib.

Kasabay din ng paglipas ng maraming taon ay ang unti-unting pagsulputan ng mga kalaban na kilala bilang mga Tenebrians. Dito na napagpasyahang bumuo ng mga nakakataas ng isang Akademiyang tiyak na makakatulong upang mahasa't mahubog ng mga Zaheians ang tinataglay nilang kakayahan at kapangyarihan ng sa gayon ay matuto silang lumaban at protektahan ang mga sarili nila't maging ng kanilang mga angkan laban sa mga kalaban.



Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now