Kabanata 72: Ang Sigalot at ang Hilakbot

817 47 6
                                    

ZAHARA'S POV

"Pagkatapos ng gabing ipakilala ka sa lahat bilang isang Prinsesa ng Kahariang Aeros ay nagbago na ang pakikitungo ng lahat kay Alice, Hara. Palagi siyang tinutukso ng mga estudyante, sinasabihan siya na wala siyang karapatan na makipagkaibigan, makipaghalubilo o maski ang lumapit man lang sa'yo dahil isa lamang siyang hamak na mababang uri at ikaw ay isang dugong bughaw. Na siya ay isang basura at ikaw ay isang maharlika. S-Sinusubukan namin siyang protektahan sa abot ng aming makakaya, Hara. Maniwala ka man o sa hindi sinubukan namin. Kung pwede nga lang na sa bawat segundo ay kasama namin siya para lang masiguro namin ang kaligtasan niya ay ginawa na namin, ngunit alam mong hindi pwede Hara. Hindi sa lahat ng oras ay maproprotektahan namin siya."

Halos manghina ako sa aking mga narinig. Hindi ko lubos maisip na ganoon na ang nararanasan ni Alice sa loob ng Akademiyang ito.

At ang lahat ng iyon ay nang dahil sa akin.

"N-Nasaan siya ngayon? Nasaan si Alice?" Utal-utal kong tanong.

"Hindi din namin alam, Hara. Katatapos lang din ng klase namin at balak palang sana namin na hanapin sila nina Matt at Mercedes nang marinig namin sa ibang mga estudyante na dumating kana raw at dito kana namin nakita at naabutan."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga sinabi ni Thalia. Ang tanging alam ko lamang sa mga sandaling ito ay nais kong makita si Alice. Gusto kong makitang ayos lamang ang kalagayan niya, gusto kong malaman na ayos lamang siya. Sapagkat hindi ko alam ang magagawa ko sa mga taong nananakit sa kaniya sa oras na may mangyaring masama sa kaniya.

"Zahara, huminahon ka."

Bahagya akong napatingin sa lalaking humawak sa aking balikat at doon ko nasilayan ang nag-aalalang mukha ni Cedric. Ilang saglit pa'y unti-unti niyang ipinalandas ang kaniyang mga kamay patungo sa aking palad at pagkuwa'y hinawakan ito ng mahigpit.

Doon ko lamang napag-alaman na nagsisimula ng umihip ang napakalakas na hangin sa aming paligid. Ang mga puno na siyang naglipana sa buong kapaligiran ay nag-uumpisa ng magsigalawan na animo'y nagsasayawan sa bawat pagkumpas ng banayad na pag-ihip ng hangin.

Maging ang ibang mga estudyante ay napatigil na't nakatingin na sa amin.

"Calm down, Hara. We'll find Alice, we'll find her." Hindi ko na nagawang sagutin pa ang isinatinig ni Blake at agad ng nagmartsa paalis sa lugar na iyon. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na binabagtas ang daan patungo sa silid-kainan.

Halos mahigit tatlong minuto lang ang nagdaan bago ko tuluyang narating ang pintuan ng nasabing bulwagan.

Agad ko namang  naramdaman ang sunod-sunod na paghakbang ng aking mga kasamahan sa aking likuran.

"Hara." Mahinang tawag ni Thalia sa aking pangalan bagamat hindi ko siya sinagot at sa halip ay marahan kong ipinikit ang aking mga mata at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

Datapwat marahas akong napadilat ng aking mga buliga nang isang napakalakas na sigaw ang siyang namutawi sa buong paligid na nagmula sa loob ng pintuang nasa aking harapan at siyang naghatid ng kakaibang kaba at takot sa aking kalooban.

"Alice!"

Agad na tumiim ang aking bagang nang marinig ko ang pangalan ni Alice na nagmula sa pamilyar na tinig na iyon. Kay Mildred.

Mabilis na nilukob ng matinding kaba ang aking sistema sa mga senaryong naglalaro sa aking isipan.

Dahil roon ay hindi na ako nag-aksaya pa ng segundo at agad ng kumilos.

Isang napakalakas na pwersa ng hangin ang pinakawalan ko na siyang naging dahilan upang marahas na bumukas ang pintuan sa aming harapan na naging sanhi upang mapatigil ang lahat sa loob niyong bulwagan at mapatitig sa aming gawi.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon