Kabanata 11: Katanungan

3.3K 225 36
                                    

ZAHARA'S POV

"Tampalasan!" Mabilis pa sa kidlat kong inilublob pabalik sa tubig ang aking pang-itaas na katawan. Ipinagsasalamat ko na lamang na mahaba ang aking buhok na siyang naging dahilan upang matakpan nito ang aking dibdib kaya't sa tingin ko'y hindi niya nakita ang hindi dapat na makita.

Nang matauhan siya'y taranta siyang napatakip ng kaniyang magkabilang mata.

Agad naman akong nakaramdam ng matinding inis. Hula ko'y pulang-pula na ang aking mukha sa sitwasyong ito. Hindi ko lubos maisip na may nakakita sa akin sa ganitong kalagayan.

"Tumalikod ka!" Malakas kong sigaw na nagpaigtad sa kaniya. Dali-dali naman siyang napatalikod dala ng pagkagulat.

Sinamantala ko ang pagkakataong iyon na umahon mula sa pagkakalubog sa tubig at naglakad patungo sa pinaglagyan ko ng aking mga saplot nang hindi inaalis ang aking paningin sa kaniya.

Nang ako'y matapos ng magbihis ay saka ko sinamaan ng tingin ang ginoong nakatalikod sa akin.

"Lapastangang ginoo!" Sigaw ko sa kaniya. Dahan-dahan naman siyang napalingon sa akin habang nananatiling nakatakip ang kanan niyang kamay sa kaniyang mga mata.

"Maaari ka ng dumilat!"

Sa sigaw kong iyon ay unti-unti na niyang inalis ang pagkatakip niya sa kaniyang mga mata. Doon ko tuluyang napagmasdan ang kaniyang kabuuan.

Mapupungay ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin, mamula-mula rin ang kaniyang labi at matangos ang kaniyang ilong, sadyang napakaganda rin ng kaniyang tindig at maging ang kaniyang kutis ay hindi maipagkakailang napakaganda. Bumagay rin sa kaniya ang kulay itim niyang buhok na malapit ng umabot sa kaniyang mga mata. Nakasuot siya ng isang magarang damit na bumagay naman sa kaniyang tangkad at postura.

Ngunit sa isiping iyon ay dumagdag lamang ang aking inis na nararamdaman nang mapagtanto ko kung ano siya.

Isang maharlika.

"W-Wow, You're...You're so beautiul." Agad na mas tumalim ang aking pagkakatingin sa kaniya nang marinig kong magsalita siya. Mabilis niyang iniangat ang kaniyang dalawang kamay sa ere na tila ba'y sumusuko.

"Look miss, I didn't intend to-" Agad siyang natigilan at nangunot ang noo bagay na ipinagtaka ko. Nang tingnan ko ang kaniyang mga mata'y nakita ko kung paanong bumaba ang kaniyang paningin sa katawan ko na naging sanhi ng pag-awang ng labi ko't makaramdam na naman ng pagkainis.

"Tampalasan!" Mabilis kong tinakpan ang aking katawan gamit ang aking kamay at tiningnan siya ng masama. Muli na namang nanlaki ang kaniyang mga mata't tarantang nagsalita.

"H-Hey! It's not what you think! I'm not a pervert, okay? It's just that, you look like an elite- wait," Mas lalong nangunot ang kaniyang noo't humakbang papalapit sa akin dahilan upang inihanda ko ang aking sarili sa kung anuman ang kaniyang binabalak.

Nang ilang dipa na lang ang layo niya sa aking kinaroroonan ay namataan ko ang pagdaan ng kakaibang pagkamangha sa kaniyang mga mata.

"You're not an elite."

Sa pagkakataong ito'y ako naman ang napakunot ang noo sa kadahilanang hindi ko narinig ang kaniyang ibinulong.

"Kung ano man ang iyong nais na sabihin ay hindi ako interesado, ginoo. Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka pang ginawa sa akin." Nanliliit ang mga matang sumbat ko sa kaniya. Mas humakbang naman siya papalapit sa akin, ngunit bago pa man niya tuluyang marating ang aking kinatatayuan ay iniangat ko na ang aking kamay na tila ba'y binabantaan siya.

"Subukan mong lumapit at hindi ako magdadalawang isip na saktan ka!"

"H-Hey easy. As I've said-" Mas sinamaan ko pa ang pagtingin ko sa kaniya. Napabuntong-hininga naman siya bago muling magsalita.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now