Kabanata 104: Ang Paglalakbay

407 29 2
                                    

THALIA'S POV

It's almost five hours since we started our journey.

Gabi na rin at halos wala na kaming makita sa aming dinaraanan. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbi naming ilaw para makita namin ang daan na tinatahak namin.

"Gosh! We're taking forever! My goodness!"

Lihim nalang akong napailing nang muli na namang dumagundong sa tahimik na paligid ang maarte at nakakarinding boses ni Stacy na mabilis namang sinundan ng dalawa pa.

"I know right?! This mission is so stupid!" Ani Blaire sabay ekis sa kaniyang mga braso.

"I agree! Bakit pa ba natin kailangang sumama rito?" Segunda naman ni Amber at masama kaming tiningnan.

"Like heck! I don't even want to be with these people." Dagdag na bulong niya pero narinig ko pa rin.

Hindi nalang namin sila pinatulan pa at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Ngunit nakakailang hakbang pa lang kami nang walang ano-ano'y mapatingin ako sa likuran ng isa pa naming kasama na nasa tabi nilang tatlo.

Si Maddison.

Hinayaan na siyang sumama sa amin ni Headmaster at pinahintulutan na rin siyang gamitin ang kapangyarihan niya. Pero ngayon, habang nakatitig sa kaniya ay may napansin ako na parang may mali. Magmula nang bumalik siya mula sa pagkakasuspende ay hindi na siya madalas umimik kagaya ng dati, hindi na rin siya nang-iinis kagaya nang ginagawa ng mga kaibigan niya, at higit sa lahat ay hindi na niya ginagalaw sina Hara kagaya ng kasanayan niyang gunagawa dati.

Nangunot ang noo ko sa biglaang pagbabago niya kung kaya't tahimik ko siyang pinagmasdan habang patuloy na binabagtas ang madilim na daanan.

Tahimik lang siya habang naglalakad at walang ibang ginawa kung hindi ang palihim na titigan si...

Hara?

Kahit na madilim man ay hindi ito naging alintana para makita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Maddison habang nakatingin sa likuran ni Hara na kanina pa walang bukam-bibig habang binabaybay ang masukal na paligid.

Tama ba 'tong nakikita ko? Nag-aalala si Maddison kay Hara?

Pero agad rin akong nabalik sa katinuan ko nang maanalisa ang kalagayan ni Hara.

Pansin kong ilang araw na siyang tahimik. Parating ilag sa amin at walang ibang ginawa kung hindi ang tumingin sa kawalan.

Halos lahat kami ay nag-aalala na sa kaniya.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng konsensya sa pag-iisip na baka siya nagkakaganito ay dahil sa ginawa naming panghuhusga sa kaniya nang malaman namin ang tungkol sa kakayahan niyang kontrolin ang elementong apoy.

Ngunit sa palagay ko ay hindi dahil doon, pakiramdam ko ay may iba pang dahilan.

Bumuntong-hininga ako at akmang lalapit na sana papunta sa tabi niya nang bigla nalang akong mapatalon sa kinatatayuan ko nang isang malakas na kaluskos ang siyang bumalot sa buong paligid.

Sabay-sabay kaming lahat na napalingon sa likuran namin at napatitig sa isang kumpol ng madabong na halaman.

Nagkatitigan kami nina Kairus at ng iba pa at sabay-sabay na nagsitanguan. Matapos ang ilang segundo ay mabilis naming iwinasiwas ang aming mga kamay at kaniya-kaniyang nagpalabas ng aming mga sandata at itinuon sa direksyon ng pinagmumulan ng tunog na 'yon.

"Show yourself!"

Napatingin ulit ako kay Kairus nang isigaw niya 'yon at walang pagdadalawang-isip na nagsimulang maglakad papalit do'n.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon