Kanata 35: Itim na Salamangka

2.6K 160 6
                                    

ZAHARA'S POV

Tatlong araw na ang nakakalipas magmula ng mangyari ang paglusob ng mga kalaban. Tatlong araw na rin ang nakakalipas magmula nang magising ako sa silid-pagamutan.

Wala akong maalala hinggil sa aking nagawa't kung paano natapos ang labanan. Hindi ko rin maalala kung paano ako napunta sa silid-pagamutan. Ngunit mabuti na lamang at naririyan si Alice, isinalaysay niya sa akin ang mga nangyari bago ako tuluyang mawalan ng malay sa gitna ng labanang iyon.

Muli akong nagbalik-tanaw sa naging usapan naming dalawa ng araw na ako'y magising.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa aking paningin ang pamilyar na silid. Nang sandaling inilibot ko ang aking mga busilig ay agad kong napagtanto na naririto na naman ako sa silid-pagamutan.

"Hara."

Agad kong naibaling ang aking atensyon sa malamyos na tinig na iyon.

"Alice?"

Mabilis niya akong nilapitan at hinagkan bagay na aking ipinagtaka.

"Mabuti naman at ikaw ay nagkamalay na, Hara."

Nakita ko ang pagkailang sa kaniyang mga mata at ang paglihis ng kaniyang pansin mula sa akin. Hindi rin nakatakas sa aking paningin na tila ba'y nagdadalawang-isip siyang tumingin sa akin.

"Alice? Ayos ka lamang ba?" Tanong ko sa mahinang boses at pagkuwa'y umupo mula sa aking pagkakahiga.

"Bakit ako naririto? Ano ba ang tunay na nangyari?"

Gumalaw-galaw ang talukap ng kaniyang mga mata senyales na siya ay nababalisa't hindi kalaunan siya ay napabuntong-hininga.

"H-Hara, napaslang mo silang lahat."

Animo'y nabingi ako sa aking narinig. Mahina man ang pagkakasambit niya niyon ay naging sapat na iyon upang iyon ay aking marinig. Bagamat hindi ko iyon lubusang maunawaan dahilan upang kunot-noo ko siyang tinitigan.

"Ano ang iyong sinasabi, Alice? Hindi kita maunawaan," Wika ko't siya'y pinakatitigan.

"Sandali lamang, maaari bang tumingin ka sa akin? Hindi ko mawari kung bakit ka nagkakaganyan, ayos lamang ba ang lahat? Ayos ka lamang ba?"

Hindi ko nais ang kaniyang ipinapakita ngayon. Hindi ko batid ang mga nangyayari subalit may kung ano sa akin ang nagsasabi na iyon ay hindi maganda't hindi kaaya-aya.

"H-Hara,"

Muli kong tinuon sa kaniya ang aking buong atensyon. Hinihintay ang kaniyang sasabihin.

"Kinitil mo ang buhay ng lahat ng mga kalabang naroroon, Hara. Kinitil mo ang kanilang buhay na sadyang kaginsa-ginsa sa aming lahat. Ngunit may binuhay kang isa at iyon marahil ang kanilang pinuno. Marahil siya rin ang ginoong sumalakay sa atin noong araw ng patimpalak na ginanap sa bayan." Mahabang litanya niya na lubhang nagpaapuhap sa aking isipin.

Naguguluhan ko siyang tinitigan at pagkuwa'y nagsalita.

"Hindi ba't iyan ay mabuting balita? Napaslang ko ang halos lahat ng mga kalaban. Subalit bakit tila'y salungat ang iyong ipinapakita? Bakit tila yata ikaw ay nagsasapantaha." Saad ko sa nagtatakang tinig. Ngunit hindi siya sumagot at tanging pag-iwas lamang ng kaniyang paningin ang kaniyang ginawa.

"Alice, hindi ko batid at hindi ko maalala kung bakit ko hinayaang mabuhay ang lalaking iyon, bagamat ang mahalaga'y natalo ko sila, hindi ba?" Pahayag ko't sinubukang hulihin ang kaniyang paningin subalit bigo akong iyon ay dinggin.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindDonde viven las historias. Descúbrelo ahora