Kabanata 107: Ang Lawa

373 35 3
                                    

ZAHARA'S POV

Ilang araw na ang nakalilipas at patuloy pa rin naming binabagtas ang daan patungo sa bundok Morti.

Matapos din mangyari ang pangyayaring iyon ilang araw na ang nagdaan ay halos hindi na rin ako muling kumibo't nagsalits pa. Nanatiling tikom ang aking bibig. Hinayaan ko na lamang na mahulog ang aking isip sa pag-iisip ng mga bagay-bagay hinggil sa mga nangyari at patuloy na mga nangyayari sa aking paligid.

Hindi na rin nagtangkang mangulit pa ang aking mga kaibigan at kasamahan na lihim ko na ring ipinagsasalamat. Wari ko'y nararamdaman nila na hindi ko na nais pa na pag-usapan namin ang mga kahiwagaang nangyayari sa akin.

"Matagal pa ba tayo?"

Sa makailang ulit ay muli na namang ungot ni Amber.

"It's been 5 days already but look, hindi pa rin natin nararating ang bundok Morti na 'yan!"

"Amber! Will you please just stop complaining already? Hindi lang ikaw ang napapagod maglakad, okay?!" Nagulat naman ang halos lahat sa kanila nang bigla na lamang tumigil maglakad si Stacy na nasa unahan niya at nilingon siya habang magkasalubong ang dalawang kilay. Natahimik naman ang huli at hindi na muling nakapagsalita pa bagay na ipinagpapasalamat ng lahat.

"Look,"

Naagaw naman ang atensyon namin nang walang ano-ano'y magsalita si Yzair. Nakita ko ang pagbukas niya ng hawak-hawak niyang lumang papel na walang iba kung hindi ang mapa.

"We're now here, after a while we should pass by the lake. So any minute or two from now we should be at the bottom of the mountain." Ani nito habang may kung anong itinuturo sa mapa.

Nagsitanguan naman ang iba pa.

"Finally!" Sabay-sabay nilang bigkas.

Hindi nagtagal ay muli na kaming nagpatuloy sa aming paglalakad.

Subalit habang binabaybay ang aking dinaraanan ay napansin kong may nakatitig sa akin, at nang hagilapin ko kung sino iyon ay doon ko nakita si Maddison na nakamasid sa akin. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay dali-dali siyang napaiwas ng tingin at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakad.

Hindi ko na lamang pinagtuunan pa ng pansin ang bagay na iyon at tahimik na lamang na sumunod sa kanila.

Makaraan pa ng ilang saglit ay nakadatal kami sa tila'y mas masukal at mas madabong pang parte ng kagubatan.

Napagdesisyunan naman ni Levi at ni Thalia na gamitin ang kanilang mga mahika upang malampasan namin iyon, datapwat nang akmang kokontrolin na nila ang mga puno't mga halaman ay agad silang pinahinto ng isa pa naming kasama.

Si Kairus.

"Stop, both of you. You have to save your energy, this is a long journey and we are still far from our destination so stop wasting your energy for a simple matter."

Wala na kaming ibang nagawa pa kung hindi ang pasukin at subukang lampasan ang masukal na bahagibg iyon. Sunod-sunod na daing naman ang kumawala sa iba naming mga kasamahan dahil sa mga matutulis na mga sangang tumatama sa kanilang katawan.

Pagkatapos ng halos tatlong minuto'y tuluyan na naming nalampasan ang parteng iyon, at nang sandaling maituon namin ang aming mga mata sa tanawing aming kinahinatnan ay ganoon na lamang ang paghanga't pagkagulat ang dagliang bumalatay sa aming mga mukha.

Sa harapan namin ay naroroon ang isang malawak, malinis at tila'y kristal na lawa na kung saan makikita ang makukulay na mga isdang lumalangoy sa ilalim nito. Sa gilid naman ng lawang iyon ay makikita rin ang nagkalat na mga bulaklak at punong-kahoy bagay na mas nagpaganda pa sa tanawing nasa aming unahan.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon