Kabanata 110: Ginintuang Kuweba

416 32 4
                                    

ZAHARA'S POV

"We found the golden cave."

Napakislap ang aking mga mata nang sandaling masilayan ko ang ginintuang kweba na ngayon ay nasa aming harapan. Maging ang aking mga kasamahan ay hindi rin mapigilan ang mapahanga sa tanawin na nasa aming unahan.

"W-Woah, i-it's gold. The whole cave is made of gold." Dinig ko pang saad ni Stacy.

"Let's go inside. I think the portal to the Maledictus Aqua is inside of that cave." Maya-maya pa'y wika ni Blake na mabilis namang tinugunan ng tanong ni Mercedes.

"Maledictus Aqua? Ano ang bagay na iyon?" Nakakunot ang noong saad nito na agad namang sinagot ni Cedric.

"Ito ang sinasabi nilang sinumpaang karagatan. No one really knows what exactly is waiting for us there. Ang tanging alam ko lang sa lugar na 'yon ay pinamumugaran 'yon ng iba't-ibang uri nf nilalang na naninirahan sa ilalim ng karagatang 'yon." Mahabang palatak nito bagay na ikinagitla ni Mercedes maging nina Alice, Matt at Mildred.

Naalala ko. Wala nga pala silang apat noong sambitin iyon sa amin ng punongguro. Dahil kung tutuusin naman ay wala dapat sila rito ngayon. Hindi dapat nila kinakaharap ang panganib na kasalukuyan naming kinakaharap.

"Let's not waste time. Let's go."

Nagpaumunang maglakad si Stacy na agad namang sinegundahan nina Blaire, Amber at Maddison na ngayon ay tahimik pa rin at walang kibo.

Hindi naman nag-aksaya pa ng oras ang iba pa naming mga kasama at matulin na may pag-iingat na sumunod sa kanila.

Sinuri ko pa ang buong kapaligiran upang masiguro ang aming kaligtasan bago tuluyang pumanhik sa kanila papasok sa kweba.

Nang sandaling marating namin ang bukana ng nasabing yangib na iyon ay mas lalo pa kaming namangha sa labis na karilagan at kahiwagaan na siyang nakabalot sa kabuuan ng kweba.

Wala kaming makitang bantay o tagapangalaga na nasa labas at sa halip ay tanging ginto lamang ang aming nakikita.

Wala nang paligoy-ligoy at pagdadalawang-isip na nagsipasukan ang aking mga kasamahan sa kwebang iyon. Sagadsad-dausdos kaming naglakad patungo roon.

At habang binabagtas ang kabuuan ng kwebang iyon ay patuloy pa rin sa paghanga ang aking mga kaibigan na wari ba'y labis na nasisiyahan sa lugar na aming kinaroroonan.

Hindi nagtagal ay napatingin kaming lahat kay Matt nang sandaling siya'y magsalita habang nakatitig sa kumpol ng mga ginintuang mga bato na siyang naroroon sa isang tabi.

"Katumbas ng isang piraso ng gintong mga bato na naririto ang kaginhawaan ng bawat pamilyang namumuhay sa bayan."

"Nakatitiyak akong giginhawa ang ating kinabukasan sa mga gintong naririto." Dagdag pa ni Mercedes na ngayon ay nakatitig na rin doon.

"Hindi naman siguro mamasamain ng bundok Morti na ito kung tayo'y kukuha kahit tig iisang piraso lamang ng gintong bato na naririto, hindi ba?"

Nakaramdam naman ako ng awa sa umaasang tinig na iyon ni Alice. Batid kong hindi naging madali ang naging buhay nila ni Aleng Beth, kahit maging ang buhay ng mga mamamayan na siyang naninirahan sa bayan ay gayundin.

Akmang magsasalita na sana ako nang maunahan ako ng kung sinuman.

"These low lives beings. What a pitty shameless people who's so desperate to have a wealthy lifestyle. Shame on you!"

Agad na nagsalubong ang magkabilang kilay ko nang marinig ko ang mga salitang iyon mula kay Stacy na kasalukuyang nakatingin sa tatlo na may nanghuhusgang tingin. Agad namang bumalatay sa kanila ang labis na pagkapahiya dahil sa isinatinig na iyon ni Stacy na mas lalong ikinagalit ko.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now