Kabanata 40: Ang Katauhan ng Lobo

1.9K 144 9
                                    

ZAHARA'S POV

"Kinakailangan ko ng iyong pahintulot, Zahara. Sunod-sunod na ang dumadating na mga banta sa iyong buhay at hindi ko maaatim na may mangyaring masama sa iyo buhat ng aking kapabayaan kung kaya't marapat lamang na malaman na ng Hari at ng Reyna na buhay ang Prinsesa, na buhay ka."

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapayuko sa aking paanan at hilutin ang aking sintido. Sinusubukan kong unawain ang kaniyang mga sinasabi.

Nais niyang ipagbigay alam sa Hari't Reyna ng Kahariang Aeros ang aking pagkakakilanlan bilang anak nila. Bilang anak nilang inakala nilang patay na.

"Zahara, makinig ka sa'kin."

Tumingala ako kay punongguro't sinalubong ang seryoso niyang mga mata.

"Sa oras na bumalik kana sa iyong pamilya'y hindi na mailalagay pang muli sa alanganin ang iyong buhay, batid kong nababatid mo na alam na ng mga kalaban ang iyong katayuan at ilang beses na nilang pinagtangkaan ang iyong buhay kaya't kinakailangan ng malaman ng iyong mga magulang na buhay ka at nang sa gayon ay mabigyan ka nila ng proteksyon. Zahara, minsan ka ng nawala sa Zahea at hindi na maaaring maulit pa ang bagay na iyon. Malaking kawalan sa amin ang iyong pagkawala, at sa iyong pagbabalik ay hindi kana dapat pang muling mawala, hindi kana maaaring muling mapasakamay pa ng mga kalaban." Mahabang litanya niya na nakapagpailing sa akin.

"H-Hindi ko alam, hindi ko alam ang aking sasabihin Punongguro. Hindi ko batid sa aking sarili kung ako'y handa na bang harapin ang katotohanan ukol sa aking tunay na pagkatao."

"Hindi ba't iyan ang kaisa-isa mong kadahilanan kung bakit ka pumarito't sumama sa iyong kaibigan? Upang malaman mo ang tunay mong katauhan? Upang malaman mo kung sino ang tunay mong mga magulang? Upang malaman mo ang tunay mong pinagmulan?" Dahil sa mga sinabi niyang iyon ay saglit akong natigilan.

Tama siya. Iyon nga ang dahilan kung bakit ako sumama kay Alice sa kaniyang pagpasok sa paaralang ito.

Subalit bakit ngayong nasa harapan ko na ang mga kasagutan sa aking mga katanungan ay wari ba'y natatakot ako.

Sa ideyang iyon na pumasok sa aking isipan ay napagtanto ko na ang tunay na kasagutan.

Hindi ako natatakot na makilala sila bagkus ay natatakot akong mabigo at umasa lamang sa wala.

Natatakot akong malaman na baka hindi sila ang tunay kong mga magulang.

Paano kung mali ang kutob ni Aleng Beth?

Paano kung mali ang hinala ni Alice?

Paano kung mali ang batayan ng punongguro?

Paano kung mali ako?

Paano kung hindi ako ang nawawalang anak ng Hari at ng Reyna ng Kahariang Aeros?

Paano kung hindi ako ang nawawalang Prinsesa?

Natatakot akong mabigo at sa huli ay masasaktan lamang.

"Nasaksihan ko ang kanilang pangungulila nang sandaling ikaw ay mawala, Zahara. Lahat ng mamamayanan ng Zahea ay nasaksihan ang bagay na iyon. Labing walong taon na ang nakakalipas ngunit alam kong parang kahapon pa rin ang sakit na naroroon sa mga puso ng iyong mga magulang dulot ng iyong pagkamatay, dulot ng iyong pagkawala. Walang araw na hindi ka nila pinagluluksaan, walang araw na hindi ka nila iniisip, bilang isang saksi sa kanilang paghihirap sa iyong pagkawala'y nababatid ko kung gaano kasakit sa kanila ang iyong pagkawala. At ngayon na ikaw ay nagbabalik, natitiyak kong labis-labis na tuwa't kagalakan ang kanilang mararamdaman sa oras na malaman nilang ikaw ay buhay, sa oras na ikaw ay kanilang makita't muling mahagkan. Zahara, ito na ang tamang oras upang muli kayong magkatagpo ng iyong mga magulang. Pumapayag kana ba?" Naramdaman ko ang sinseridad sa kaniyang tinig, ang pagmamalasakit, ang pag-aalala.

Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering WindWhere stories live. Discover now